Tapatang Vic Sotto at Bong Revilla walang personalan



May malaking challenge pa rin daw para sa comedian-TV host na si Vic Sotto ngayong 2006 Metro Manila Film Festival (MMFF) kahit walang entry si Senator Bong Revilla.



Tatlong beses na kasing nagkatapat ang mga pelikula nina Vic (Prince of Comedy) at Bong (Prince of Action) sa MMFF, at palaging naghahari sa takilya si Vic—Fantastic Man vs. Agimat noong 2002, Lastikman vs. Captain Barbell noong 2003, at Enteng Kabisote 2 vs. Exodus last year.

Ngayong taon ay walang entry sa MMFF ang senador samantalang si Vic ay may Enteng Kabisote 3... Okay Ka, Fairy Ko (The Legend Goes On And On And On), na bale third installment ng Enteng Kabisote 3 franchise. Just like the past years, inaasahang ang pelikula na naman ni Vic ang mangunguna sa takilya among all nine entries.



Para kay Vic, hindi niya itinuturing na challenge kung sinong artista ang makakatapat ng pelikula niya. Ang challenge raw sa kanya ay makapaghatid siya ng saya sa mga manonood. Gusto raw kasi niyang maging sulit ang ibabayad ng mga tao sa kanyang pelikula.



"Hindi naman biro na mag-shell out ka ng malaking halaga to watch a movie on Christmas Day. Kasi nga buong pamilya ang manonood and you want to be sure na masisiyahan sila sa mapapanood nila," sabi ni Vic sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng Enteng Kabisote 3 last Friday, December 1, sa Virgin Café, Tomas Morato.



"Iyon ang pinaka-challenge namin ni Direk Tony Reyes [director ng Enteng Kabisote 3]," patuloy niya. "We want to come up with a family movie that is both entertaining and has moral values. ‘Yung special effects, bonus na lang ‘yan e. Pangdagdag na lang namin to make the film extra entertaining. I think diyan kami lamang from the other movies, kasi yung story ang una naming iniisip at hindi ang special effects."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa pagtatapat ng mga pelikula nila ni Bong, sinabi ni Vic na hindi kailanman nila pinersonal ang bagay na ito. Magkasama raw sila sa iisang industriya at napaka-petty naman daw kung magpapaapekto sila rito.



"Okay naman kami ni Sen. Bong Revilla," nakangiting sabi ni Vic. "We do not take it personally. Magkaibigan tayong lahat sa industriyang ito. Sa dalawang pelikula lang ba kami magkakasira?"



Dagdag pa niya: "Kapag nagkita naman kami ni Bong, okay kami. Pareho kaming nasa GMA-7 at pareho rin kami ng mga kaibigan. Kaya para sa amin, wala ‘yan. Pelikula lang naman ‘yan. It's not something na makakasira sa aming dalawa."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN