Janus del Prado may sama ng loob sa ex-girlfriend niya


Janus feels bad about the way he and Carla broke off their relationship.


Hindi itinatago ng ABS-CBN talent na si Janus del Prado na masama ang loob niya sa dating girlfriend niyang si Carla Humphries.



Hindi raw nagugustuhan ng young actor ang mga pinagsasabi ni Carla tungkol sa nasira nilang relasyon. Ikinakalat daw kasi ng young actress na si Janus daw ang nakipag-break sa kanya at masyado raw babaero ang binata.

Gustong linawin ni Janus na walang katotohanan ang mga paratang ni Carla, na gumanap bilang kapatid ni Angelika dela Cruz sa Bituing Walang Ningning.



"Ayoko sanang magsalita o patulan kasi may pinagsamahan din kami ni Carla. Pero marami na ang nagpaparating sa akin na iba ang ikinukuwento niya tungkol sa break-up namin. Kaya gusto ko nang sabihin ‘yung totoo," seryosong sabi ni Janus sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong December 1, Friday, sa press con ng Shake, Rattle & Roll 8 sa Imperial Palace Suites.



"It was Carla who broke up with me," paglilinaw niya. "Out of the blue, she said na she wasn't happy with me. Nagtaka naman ako because since nag-Qpids [the ABS-CBN reality loveteam search where they met] kami at naging kami, walang naging problema. More than a year kaming naging mag-on tapos out of the blue, she would say na hindi na siya happy.



"I asked her kung ano ‘yung bagay na hindi ko nagawa because lahat naman ng gusto niya ay sinusunod ko. I was practically following and listening to what she wants from me. Tapos ngayon iniiba niya ang story. Doon ako nagagalit sa kanya," diin niya.

Ayon pa kay Janus, may nagsasabi sa kanya na may ibang napupusuan si Carla noong sila pa kaya raw nakipag-break sa kanya ang dalaga. Pero ayaw raw niyang isipin na ito ang dahilan kung bakit nagbago ang pagtingin sa kanya ni Carla.

"May mga nagsasabi sa akin na meron daw, pero I still respected her at hindi ako nagtanong sa kanya. Tinanggap ko na lang ‘yung sinabi niya sa akin and I really felt so bad," sabi pa ni Janus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang makipag-break daw si Carla sa kanya, ilang buwan na na-depress ang dating child actor. Nagkulong daw siya sa kuwarto at halos ayaw na nitong magtrabaho dahil baka masalubong niya si Carla.



"When she broke up with me, five months ago, ni wala akong nakuhang kapalit," himutok pa ni Janus. "Ayoko siyang makita kasi lalo lang akong nasasaktan. Ang ginagawa ko, pinapanood ko ‘yung mga scenes namin sa Qpids nang paulit-ulit para lang ma-get over ko siya.



"Two months din akong ganu'n and noong maka-recover na ako, tapos na. I've moved on and now may bago na akong karelasyon. Medyo nainis lang ako when stories are coming out na ako ang may kasalanan."



Dagdag pa niya: "Bakit siya nagsasalita ng ganyan, porke ba may bago na siyang ka-loveteam? Bigyan naman niya ng respect si Victor Basa [Carla's loveteam] kasi nadadamay ‘yung tao sa mga pinagsasabi niya."



Sinabi pa ni Janus na sana raw ay magpakatotoo si Carla. Huwag na raw itong makipagplastikan sa kanya lalo na kapag nasa harap sila ng maraming tao.



"Sa totoo lang, hindi pa kami okey," diin niya. "Naiilang na ako whenever she's there. Pero siya, she acts as if parang wala kaming naging problema. Ayoko ng gano'n. I'm true to myself. Sana maging totoo rin si Carla sa sarili niya."

Janus is part of the "13th Floor" episode of Shake, Rattle & Roll 8 na official entry sa 2006 Metro Manila Film Festival.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN