Sugar Mercado naglayas dahil sa kanyang ina?



May balitang kumakalat na may matinding gap daw between Sugar Mercado, isa sa junior hosts ng Eat Bulaga!, at ang kanyang ina. Ito raw ang dahilan kung bakit umalis si Sugar sa tinitirahan niyang bahay, kung saan nakatira rin ang kanyang mother.

Sinasabing may kinalaman sa pera ang dahilan ng pag-aaway nilang mag-ina. Dagdag pa rito, hindi na raw kasi ma-take ni Sugar ang bisyo umano ng huli.

Ito ay ayon sa isang staff ng TAPE Inc., producer ng Eat Bulaga!, na nagsasabing naaawa na siya kay Sugar kaya siya nakapagsalita. Sinasabi nitong ngayon daw kasi ay kung kani-kanino at kung saan-saan nakikitulog si Sugar.

Minsan nga raw ay sa Broadway Centrum, ang studio kung saan nagtatanghal araw-araw ang Eat Bulaga!, ito nakikitang natutulog. At kung may raket naman ang dating miyembro ng SexBomb Girls sa mga comedy bars na inaabot ng madaling-araw, doon na raw ito nagpapalipas ng pagkaantok.

Sinabi rin ng staff. na ayaw magpabanggit ng pangalan, na madalas ay sa bahay nina Senator Tito Sotto tumutuloy si Sugar para makitulog. Naging kaibigan kasi ni Sugar si Ciara Sotto, anak ng senador, na isa rin sa junior hosts ng Eat Bulaga!.

Accommodating naman ang Sotto family, sabi pa rin ng source, at asikasong-asikaso raw nila si Sugar kapag naroroon sa kanilang tahanan. Si Tito ay isa sa main hosts ng Eat Bulaga!, the other two being his younger brother Vic Sotto and Joey de Leon.

Ayaw tukuyin ng source kung ano ang sinasabing bisyo ng ina ni Sugar. Ang malinaw lang ay, habang isinusulat and artikulong ito, hindi pa bumabalik si Sugar sa poder ng kanyang ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN