Mo Twister willing to apologize to Vina Morales

Sinagot ni DJ Mo Twister ang mga batikos na ipinupukol sa kanya kaugnay sa controversial radio program niyang Good Times sa dwTM Magic 89.9.

Sa daily morning program ni Boy Abunda sa ABS-CBN na Homeboy, sinabi ni DJ Mo na hindi lahat ng mga artistang nababanggit ng guests sa "Forbidden Questions" segment ng kanyang radio show ay galit sa kanya. Sa naturang segment, kailangang sagutin ng celebrity guests ang 40 controversial questions ni DJ Mo.



"Yung mga nagagalit lang ay yung medyo pinag-usapan ng mga tabloid writers and certain reporters na talagang ito ang trabaho nila—to talk about somebody," paliwanag pa niya.

Tungkol naman sa "Forbidden Questions," ito ang pahayag ni DJ Mo: "The goal of my guests is to answer all the 40 questions, and my goal is to stop you from answering, kasi kung 'di ka nakasagot ng isang beses, tapos na ang game."

"Pinoys take it personally," sinabi ni Boy Abunda sa DJ. Iba raw ang kalakaran sa Hollywood. Halimbawa, sa guesting ni Borgy Manotoc nuong Miyerkoles, November 29, naisali sa usapan si Vina Morales nang ibinigay ni Borgy ang pangalan nito sa tanong ng kung sino na ang mga naikama niya. Dinamdam ito ni Vina, maging ng kanyang pamilya.

"If they want to up the show...if they want to settle on the show, it's no problem then," sambit ni DJ Mo. "For example, yung nangyari kay Vina, the accusation came from my program, but the parity, it comes from you. They can sue you, they can sue me also."

Ano naman kaya ang sasabihin niya ‘pag nagkita sila ni Vina?

Sagot ni DJ Mo: "I will say, ‘Are you okay?' I have apologized before to some celebrities. If I have hurt some celebrities by mentioning their names, they can call me. I can call them. Otherwise, I can apologize to her or on air. I'm not here to hurt people, it's in the spirit of fun. I will ask you [Vina] na sana you will listen to me para marinig mo for your first-hand information."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pagpapatuloy niya, "This is not as bad as everybody thinks. Naririnig lang nila, nababasa sa mga diyaryo at nakikinig sa mga tsismis ng showbiz talk shows. But if you listen to the show, you will realize that it's not a big deal.

"Pero kung na-hurt ka talaga after you heard the show, then I will absolutely apologize any single word you want. Whether you want it publicly or you want me to confess with your family, whether you want me to apologize to you personally, I will absolutely publish and I would mean it. I would mean it in my heart kasi I hurt you. Kung nasaktan ka, sorry."

Sa tingin ba ni DJ Mo ay maraming artistang galit sa kanya?



"[I have] Not come across one that [is] super, super galit," sagot niya. "I mean, I talked to one or two of them or naririnig ko lang na galit sila sa akin. I talked to one celebrity on the phone, I said, 'Are you angry at me?' She answered no. I said, 'Nabasa ko sa diyaryo na hinahamon mo ako ng suntukan and I called you.' She said, 'No, dahil naiintindihan ko naman.'

Nang tanungin siya kung puwede niyang maging kaibigan ang mga artistang nabanggit sa kanyang controversial radio show, ang mabilis niyang tugon ay "Oh yeah!"



Paliwanag ng DJ, "I have my best friend in the whole world, like Donita, has been the answer negatively on my show before. She is the dearest of my friends. I love her dearly. But even she understands that it's in the spirit of fun."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN