Cristy Fermin sinugod si DJ Mo


Controversial radio host DJ Mo Twister gets a a face-to-face encounter with Cristy Fermin.


Hindi na-resolve ang problema nina Jobert Sucaldito, Cristy Fermin, at DJ Mo Twister nang magkita-kita sila kahapon sa taping ng Homeboy, sa pagitan ng 1:30 at 2:30, sa Studio 10 ng ABS-CBN.

Matatandaan na ang problema ng tatlo ay nag-ugat sa pagsabi ni DJ Mo na "idiot" si Cristy matapos batikusin ng huli ang radio show ng naturang DJ. Kumampi naman agad si Jobert kay Cristy na kasamahan niya sa radyo, telebisyon, at tabloids.

Guest ni Boy Abunda si DJ Mo sa Homeboy nang araw na iyon, at nang malaman nina Jobert at Cristy na naroroon ang kontrobersiyal na DJ, napasugod sila sa studio.

Hindi kaagad nakapasok ang dalawa sa dressing room ni DJ Mo dahil may nakabantay sa pinto. Natunugan diumano ng production staff ng Homeboy ang kanilang pagdating.



Nangako si Jobert sa mga nakabantay sa dressing room na kakausapin lamang niya si DJ Mo.



Nang magkausap sina Jobert at DJ Mo, tumanggi ang huli na makinig sa advice ni Jobert na mag-apologize siya kay Cristy.



Pinangaralan ni Jobert si DJ Mo na hindi ito dapat nambabastos ng babae, lalo na sa katulad ni Cristy na malapit sa kanyang puso.



"I will be hurt," ang sagot ni DJ Mo nang itanong ni Jobert ang kanyang mararamdaman kung sakaling ang nanay niya ang sinabihan na "idiot" ng ibang tao.

Maya-maya, si Cristy naman ang pumasok sa dressing room para i-confront si DJ Mo. Kitang-kita raw sa mukha ng TV host ang galit habang hinahamon nito si DJ Mo na sabihin sa kanya nang harap-harapan na "idiot" siya.



Panay raw ang sabi ni DJ Mo ng "sorry," habang umuurong ito dahil sa pag-aakalang baka suntukin siya ng nakasaradong kamao ni Cristy.



To make the long story short, hindi nalutas ang problema ng tatlo. Napilitan kasi sina Cristy at Jobert na iwanan si DJ Mo dahil mahuhuli na sila sa kanilang daily afternoon program sa dzMM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN