Roxanne not yet 'fully recovered' from break-up with Joross


Roxanne admits that she has not yet recovered after her break-up with Joross one year and seven months ago.


Inamin ng young actress na si Roxanne Guinoo na hindi pa siya "fully" recovered" sa much-talked about break-up nila ng kanyang ex-boyfriend na si Joross Gamboa. Ito ay sa kabila ng katotohanang one year and seven months na silang magkahiwalay.

Ito ang inilahad ng young actress sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng Shake, Rattle & Roll 8 last Friday, December 1, sa Imperial Palace Suites.

"Still recovering," sabi ni Roxanne. "Malapit na po, almost there... Almost recovered."



Patuloy ng Star Circle Quest runner-up, "Hindi naman sa hindi pa ako nakakapag-move on. Pero okey naman ako e. I don't want to rush things."



Sa ngayon ay ini-enjoy lang daw ni Roxanne ang group dates, at ayaw muna niyang magpaligaw, o dili kaya'y makipag-date sa isang guy.



"Just hanging out, hindi muna date," pakli ni Roxanne. "Gimik with group of friends. Emotional kasi ako e. So, matagal talaga akong maka-recover."

Wala pa bang kapalit si Joross sa puso ni Roxanne?



"Wala pa akong napi-picture na kapalit," nakangiting sambit nito. "Siguro, ‘pag na-feel ko uli na ready na akong ma-in love, puwede na."



Ano ba ang natutunan niya sa relasyon niya with Joross?



"‘Yung acceptance... Na kung para sa iyo ang isang tao, sa ‘yo talaga. ‘Wag mong ipilit. At ‘wag masyadong mag-dwell sa relasyon to the point na magkasakitan kayo ng feelings in the end," sabi ni Roxanne.

Aminado rin ang young actress na kung seloso si Joross ay mas doble ang pagkaselosa niya.



"Selosa kasi ako. Namana ko sa mama ko ‘yung pagiging maalaga," pag-amin niya.

Hindi ba siya magse-set ng standards or requirments sa susunod niyang boyfriend?



"Nakaka-pressure mag-set ng ganyan," sagot niya. "Ang hirap maghanap ng ideal-ideal... Basta ‘pag naramdaman mo na, ‘yun na ‘yon! Pero sa ngayon, okey lang naman ako. Career muna."



Kasama si Roxanne sa cast ng "13th Floor" episode ng Shake, Rattle & Roll 8, an official entry sa 2006 Metro Manila Film Festival. Sa TV naman ay regular siyang napapanood sa lifestyle show ni Charlene Gonzalez na At Home Ka Dito sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN