Mark Lapid: "Exclusively dating pero no commitment"



Hindi direktang inamin ni Pampanga Governor Mark Lapid kung engagement ring ang iniregalo niyang two-karat diamond ring sa napapabalitang girlfriend niyang si Tanya Garcia.

Ayon kasi kay Tanya ay iniregalo sa kanya ni Mark ang singsing nang minsang manggaling ang Pampanga governor sa Hong Kong.

"Mahirap pong magsalita," pag-iwas ni Mark sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng Tatlong Baraha kagabi, December 5, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. "Wala naman ‘yon sa mga materyal na bagay. Kung anuman po ang ibinibigay namin sa isa't isa, sa amin na lang ‘yon."

Dagdag pa ni Mark, na maaring maging palaisipan: "Okey po kami ni Tanya, we're friends. We're exclusively dating, pero no commitment. Sa ngayon, masaya po kami ni Tanya and we are enjoying each other's company. Yes, nanliligaw po ako sa kanya pero hindi pa kami."

Ayon pa kay Mark ay pareho silang busy ni Tanya dahil may entry sila sa darating na Metro Manila Film Festival. Kasama ni Mark sa pelikulang Tatlong Baraha ang ama niyang si Senator Lito Lapid at ang nakababata niyang kapatid na si Maynard Lapid. Si Tanya naman ay kasama sa cast ng Matakot Ka Sa Karma.

Idinagdag pa ng gobernador na magsi-celebrate ng 435th anniversary ang lalawigan ng Pampanga mula Disyembre 4-11.

Nang tanungin si Mark kung sa tingin niya ay magiging mabuting politician's wife si Tanya, ito ang sagot ng Pampanga governor: "Yes po, napakabait po niya. She's very nice to everyone, at sa tingin ko, bagay siyang maging isang politician's wife. Pero ayoko pong umasa dahil baka hindi naman niya ako talaga gusto."

Na-trauma nga kaya siya sa naging short-lived relationship nila noon ng TV host-actress na si Kris Aquino? Matatandaang bago nagpakasal ang popular host sa PBA player na si James Yap, nagkaroon ito ng relationship sa anak ni Senator Lito Lapid na nagtagal ng mga dalawang buwan. Ang sinasabing trauma ay nang nauna pang nalaman ng TV audience na ayaw na niya kay Mark, dahil naisambulat ito ni Kris on air bago pa nito masabi ang saloobin sa kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman ako na-trauma ... Gusto ko lang makasiguro kaya ayoko pang mag-comment," paglilinaw ni Mark.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN