Tanya Garcia reacts to Mark Lapid's denial


Tanya Garcia is rumored to be the girlfriend of Pampanga Governor Mark Lapid.


"Ayoko nang sumagot pa, baka ma-deny ako ulit," sabi ng young actress na si Tanya Garcia sa text message niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kanina. Ang pahayag ni Tanya ay may kinalaman sa two-carat diamond ring na kamakailan lang ay nasabi niyang bigay sa kanya ng rumored boyfriend niyang si Pampanga Governor Mark Lapid. Itinanggi naman ito ng huli.

Sa unang press con noon ng Matakot Ka Sa Karma, ang entry ng Canary Films sa 2006 Metro Manila Film Festival, unang umamin si Tanya na "exclusively dating" sila ni Mark. Hindi pa naman daw sila but exclusively dating nga, meaning wala na silang dini-date pang iba.

Knowing Mark to be a generous manliligaw—he once gave Cristine Reyes a silver-plated heart pendant from Tiffany's—we asked Tanya kung may naibigay na sa kaniya ang anak ni Senator Lito Lapid.

Noong una, ayaw munang umamin ni Tanya dahil hindi naman daw siya material girl. Ang ugali raw ang habol niya sa lalaki, hindi ang kung ano pa man. In fairness to the girl, kung yaman lang din naman ang habol niya, sana hindi na siya nakipag-split sa kanyang boyfriend of five years, si Alex Lopez, na scion ng mga nagmamay-ari ng ABS-CBN at iba pang malalaking businesses.

Tapos, napansin ng PEP ang napakagandang singsing ni Tanya. Lumaon ay inamin na rin niyang bigay ito ni Mark sa kanya—a two-carat solitaire diamond ring set in white gold na binili raw ni Mark from his Hong Kong trip. Nilinaw niyang the ring is not an engagement ring but an "exclusively dating" ring.

Sa press con naman ng Tatlong Baraha na panlaban ni Mark sa 2006 MMFF din, natanong si Mark ng press about the ring. December 5 iyon sa Anabel's restaurant. The governor denied na siya raw ang nagbigay nito kay Tanya.

Nag-text ang PEP kay Tanya kanina to get her reaction at ang una niyang reply ay hindi raw siya makapaniwalang nag-deny si Mark. When PEP read part of the news about Mark's denial, at saka nasabi ni Tanya na ayaw na niyang mag-comment pa dahil baka ma-deny na naman daw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mabuti pa raw, si Mark na lang ulit ang kausapin ng press at ayaw na niyang magsalita pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN