Judy Ann-Ryan & Jolina-Bebong: double date of the year


Judy Ann Santos (right) and Jolina Magdangal may be rivals in their showbiz career but the two stars are actaully very good friends.


Natuloy na rin sa wakas ang pinagpaplanuhang double date with hubbies ng dalawa sa pinakasikat na young actresses ng bansa. Sina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal ay nag-dinner noong November 22, Tuesday, sa Florabel restaurant sa Podium, kasama sina Ryan Agoncillo at Bebong Muñoz.

Gimik (youth-oriented show sa ABS-CBN) days pa lang, magkasama na sina Juday at Jolens. Lagi silang pinagtutunggali ng mga fans, pero lingid sa kaalaman ng marami, they were friends and stayed true friends all these years.

Kahit lumipat sa GMA-7 si Jolens at nag-stay naman si Juday sa ABS-CBN, umakyat-bumaba man ang intriga sa kanilang dalawa, nanatili silang magkaibigan na may constant communication.

Katunayan, nang ipa-decorate ni Juday ang kaniyang Kaffe Carabana sa mga celebrity friends niya, isa si Jolens sa nag-participate, decorating the bar/counter for her friend.

Sa press launch ng StarStruck The Next Level last Novemebr 29 sa Marina restaurant, Timog Ave., Quezon City, ikinuwento ni Jolina kung paano natuloy finally ang double date nila ni Judy Ann.

Early this year daw, dahil papuntang Amerika pareho sina Juday at Jolens at magkakasama pa isang siyudad sa California, the two planned a double date there with their boyfriends: Ryan Agoncillo for Juday and Bebong Muñoz for Jolina.

May show in connection with TFC sina Juday at Ryan. Si Jolens naman was there to tape I Luv NY, with loveteam Marvin Agustin, kung saan binisita siya ng kanyang then US-based lawyer boyfriend.

Hindi natuloy ang planong date dahil nagkasala-salabat ang mga schedules nila. So inisip na lang nila na dito sa Pilipinas gawin dahil uuwi na si Bebong para sumabak sa pulitika.

Ang original plan, sa bahay ng isa sa kanila gagawin ang date para si Juday ang magluluto, dahil ito ngayon ay earnest student of the culinary arts. Again, hindi mag-swak ang mga schedules nila, lalo na si Juday, dahil siya nga ang magpi-prepare ng pagkain. It was then decided na gawin na lang sa isang restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

November 22, Tuesday, sa Florabel sa Podium, natuloy ang double date.

It was two hours of fine dining with wine and proper introductions para kina Ryan and Bebong na hindi pa pala nagkikita prior to the date. Walang ibang pinag-usapan ang apat, at lalo raw walang usapan tungkol sa mga wedding plans dahil wala pa naman daw for both. Ang nangyari ay nag-reminisce sina Juday and Jolens ng Gimik days nila for the benefit of their boyfriends and themselves. Dagdag dito, topic of discussion din ang trabaho nina Ryan at Bebong.

Ito ang latest sa dalawang stars na babae: Bukod sa StarStruck ay regular ding napapanood si Jolina sa GMA-7 shows na SOP at Unang Hirit. Si Judy Ann naman ay may entry sa 2006 Metro Manila Film Festival, ang Kasal, Kasali, Kasalo, katambal ang boyfriend niyang si Ryan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN