Mister ni Sheryl Cruz nagseselos sa love scenes niya sa 'Bakekang'



Muling pinabulaanan ng aktres na si Sheryl Cruz ang hindi mamatay-matay na balitang hiwalay na sila ng kanyang asawang si Norman Bustos. Sa San Francisco, California, kasi naka-base si Norman na isang police officer doon.


"Ah, hindi. We are just physically separated but every day we talk on the phone," sabi niya sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sa taping ng Bakekang kahapon, December 8, sa Baseco Compound, Tondo.


Dagdag pa ni Sheryl, "Kapag nasa bahay naman ako, I make sure na we see each other on the webcam. And he's actually celebrating his birthday, Christmas, and New Year here. And he's also gonna watch my movie [Shake, Rattle & Roll 8]. Hindi siya makakasama sa premiere night but he'll be there sa awards night, he'll be my escort. Third week of December siya darating."


Marami kasi ang nag-aakala na hiwalay na sina Sheryl at Norman dahil nandito sa Pilipinas ang aktres samantalang nasa Amerika naman si Norman.


"Probably because wala na silang mapag-usapan," nakangiting sabi ni Sheryl patungkol sa mga patuloy na nang-iintriga. "It is a long-distance relationship. Actually it is not easy to be afar from your husband but then, of course, he has his career and I have my own career and we do respect each other's profession."


Paliwanag pa ng anak ng dating aktres na si Rosemarie Sonora at ang yumaong aktor na si Ricky Belmonte, "Hindi naman siguro maganda kung hindi magkakaroon ng sarili mong individuality, ‘di ba? I mean, in the first place kaya nga ninyo nagustuhan ang isa't isa because opposites do attract. Siyempre, mayroon kang gustong gawin at mayroon din siyang gustong gawin. So you just have to support each other and meet halfway."

Boluntaryo ni Sheryl, "Actually, itong sapatos na suot ko ngayon ay ipinadala niya three weeks ago. Very sweet pa rin siya sa akin kaya nga nagtataka lang ako kung saan kinukuha ang balitang separated na kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ayon pa kay Sheryl, may mga pagkakataong nagbabakasyon si Norman dito sa Pilipinas ngunit hindi lang nababalita.

"He was here before my daughter's [Ashley] birthday sa States," sabi ni Sheryl. "He was here, I think December of last year. He makes a point naman to come here ‘pag may vacation siya. ‘Pag ako naman ang may vacation time, I do make it a point to go there [San Francisco]. Nandu'n ako between March and May."


Dahil daw sa GMA Pinoy TV, ang cable channel ng Kapuso Network sa ibang bansa, napapanood ni Norman si Sheryl sa Bakekang, kung saan gumaganap siya bilang Valeria na kalabang mortal ni Bakekang (Sunshine Dizon).


Sa Bakekang ay daring ang role ni Sheryl dahil may love at kissing scenes siya sa mga kapareha niya rito na sina Jay Manalo as her husband and Marcus Madrigal as her lover. Aminado si Sheryl na bagama't laki sa Amerika ang kanyang asawa ay nagseselos pa rin daw ito paminsan-minsan ‘pag napapanood nito ang mga maseselang eksena ng aktres.


"We are just human, ‘di ba?," sabi niya. "‘Yung asawa ko, ‘di naman makitid ang pag-iisip niya. Laki siya sa America, born and raised there. At ‘pag napapanood niya ang mga soap operas doon, wala pa ngang comparison sa ginagawa nating soaps dito."


Paliwanag niya, "Pero paminsan-minsan nagiging human pa rin siya. Tao lang, ‘di ba? May mga times na nami-miss niya ako, he does get affected but he knows it is my profession. He knows that it's part of my job but as much as possible kung puwede namang gawing daya [‘yung mga eksena], dinadaya naman."


Ibinalita rin ni Sheryl na may balak na silang sundan ang panganay nilang anak na si Ashley, now 5 years old.


"We do have plans to have another addition to our family before I turn 35," sabi niya. "My husband is turning 38 now and I'm in my early 30. Matagal akong magbuntis e. It took me almost five years before I had Ashley. We're praying for a boy pero kung ano ‘yung ibibigay sa amin, boy or girl, it will be a blessing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sa pinakabagong pelikula ni Sheryl, ang "Yaya" episode ng Shake, Rattle & Roll 8, ay may "special participation" daw ang mister niyang si Norman.


Kuwento niya: "Humingi sa akin ‘yung head ng set design na kung puwede raw ba na magdala ako ng picture na mag-asawa, family, ganyan. Para lang mayroon silang maipakita sa movie na may family ako, na may husband ako. Kasi nga overseas worker ‘yung husband ko dito [sa movie].


"Nagpaalam muna ako kay Norman. Sabi ko, 'Okey lang ba sa ‘yo?,' bago ko ibigay. Sabi niya, ‘Ayos lang sa akin basta huwag mong ibibigay ‘yung picture na mukha akong mataba, kailangang mukha akong guwapo.'"

Hirit ni Sheryl, "Siyempre, kahit papaano ayaw din naman niyang mapahiya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN