Keempee de Leon reacts to one-night stand story


Keempee de Leon's was mentioned by Geneva Cruz as one of three men she had a one-night-stand with.


Hindi natutuwa si Keempee de Leon sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa forbidden questions na pinasagot ni DJ Mo Twister kay Geneva Cruz nang mag-guest ang singer-actress, kasama si Rachel Alejandro, sa controversial radio program na Good Times noong December 6.

Sa tanong kung sinong mga celebrity ang naka-one night stand nito, binanggit ni Geneva ang pangalan ni Keempee.



Nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Keempee kanina, December 9, sa studio ng Eat Bulaga! sa Broadway Centrum at nang tanungin tungkol sa sinabi ni Geneva, napakunot ang kanyang noo at nagsalita siya ng "Bakit kailangan pa nila na mandamay ng ibang tao?"

Sa history ni Keempee, ayaw talaga niyang nasasangkot ang kanyang pangalan sa mga kontrobersiya at di siya nariringgan ng kuwento tungkol sa ginagawa niya with his girl friends. Pero wala siyang magawa dahil mismong si Geneva ang nagsabi na nagkaroon sila noon ng one-night-stand affair.

Inamin ni Geneva sa radio program ni DJ Mo na tatlong lalake ang naka-one night stand niya, pero tanging si Keempee ang kanyang pinangalanan.

Nangyari raw ang insidente noong hiwalay na sila ng kanyang ex-husband na si Paco Arespacochaga at hindi pa niya boyfriend si KC Montero. Sa naturang radio revelation, sinabi ni Geneva na alam ni KC ang mga identity ng tatlong lalake na nakalaguyo niya.

Kung ibang lalake ang nasa posisyon ni Keempee, mas malamang na matuwa sila sa revelation ni Geneva. Pero malinaw na kay Keempee, hindi ito plus point.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN