Pinoy Dream Academy scholar dating swimsuit model?


Irish Fullerton is one of the six scholars who made it to the finals night of "Pinoy Dream Academy"



Irish Fullerton ang pangalan ng babaeng mestiza na may litrato sa www.xzoticmodels.com at Irish Fullerton din ang pangalan ng Filipino-American scholar ng Pinoy Dream Academy (PDA).



Tracy, California, ang address na inilagay ng xzotic model at sa biography ni Irish sa PDA, ay Tracy, California, din ang address na nakasulat.



Nagtatanong ngayon ang PDA fans kung iisang tao lamang ba si Irish ng PDA at ang Irish na may sexy photos sa website ng xzotic.models.com. Hindi naman big deal ang sexy photos na nakikita sa website ng xzotic.models.com dahil two-piece swimsuit ang suot ng babae rito at hindi siya totally naked.

Curious lang ang mga fans. Kamukhang-kamukha kasi ni Irish ng PDA ang Irish na modelo ng xzotic.

Mapapatunayan lamang na iisang tao ang dalawa kung makikita na may bunny tattoo sa upper left thigh si Irish ng PDA dahil kitang-kita ang bunny tattoo ng sexy model na si Irish.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN