Gladys Guevarra at Janno Gibbs totoong may relasyon?


Gladys Guevarra is one of the many women linked to Janno Gibbs


Napatunayan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makita namin siya sa Eat Bulaga! studio kanina, December 9, na totoo ang balitang iniiwasan ng singer-comedienne na si Gladys Guevarra na pag-usapan ang rumored love affair nila ni Janno Gibbs.

"Go!" ang mabilis at nagbibirong sagot ni Gladys kahit hindi pa namin nasasabi ang pangalan ng tao na aming kinukumusta sa kanya.

Ayaw mang magsalita ni Gladys, isang taong kasama ng dalawa sa Eat Bulaga! at nakakaalam sa real score ang nagkumpirma: totoo raw na may relasyon sina Gladys at Janno.

Hindi raw kinukunsinti ng PEP informer ang relasyon ng dalawa, pero wala raw masama kung magkaroon ng unaawan sina Gladys at Janno dahil pareho silang libre. Matagal nang hiwalay si Gladys sa kanyang boyfriend na doktor at mismong si Bing Loyzaga ang nagkumpirma na magkaibigan na lamang ang turing nila ni Janno sa isa't isa.

Marami rin ang nakapansin na lalong naging blooming si Gladys kasabay nang panahong lumabas ang mga balita tungkol sa secret love affair nila ni Janno.

Bukod sa Eat Bulaga! ay madalas magkasama sina Gladys at Janno sa mga concert. Ina-assume ng ilan na dito nagsimula ang magandang pagtitinginan ng dalawa. Ito ay sa kabila ng napabalitang pag-aaway nila noon sa rehearsal ng Silver Anniversary ng Eat Bulaga! sa Pampanga two years ago.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN