Action superstars stage concert for typhoon victims


Senator Bong Revilla (left) and Rudy Fernandez (right) will join Phillip Salvador and Senator Jinggoy Estrada in a benefit concert.


What Are Friends For ang pamagat ng concert nina Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr., Senator Jinggoy Estrada, Phillip Salvador, at Rudy Fernandez.

Ang mga biktima ng bagyong si Reming sa Bicol ang beneficiary ng concert ng apat na magkakaibigan na gaganapin sa Zirkoh Greenhills sa December 14, 2006.

Kilalang action stars ang apat ngunit sa pagkakataong ito ay kakanta sila alang-alang sa mga nabiktima ng bagyo. Matagal na si Rudy sa showbiz pero hindi pa ito napapanood na kumakanta o sumasayaw mula nang mag-concentrate siya sa action movies.

Tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kanina, December 9, si Rudy para hingin ang kanyang opinyon tungkol sa nalalapit na concert nila ng mga kaibigan niya.


Kinumpirma ni Rudy sa PEP ang kanyang participation sa concert at pumayag daw siya na makasali dahil gusto niyang makatulong sa mga kababayan natin na nasalanta ni Typhoon Reming.


Ito ang unang pagkakakataon na mapapanood na magkakasama sa isang concert ang apat na magkakaibigan. Laging nakikitang magkasama ang magkakabarkada sa mga weddings, sports events, birthdays at iba pang kasayahan sa showbiz, at lagi pang nasa iisang table sila sa mga dinadaluhang events. Ngunit ang benefit concert ay naiiba.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN