Biboy Ramirez defends Jackie Rice


Biboy Ramirez is the rumored boyfriend of Jackie Rice


Nasa Makati Medical Hospital si Biboy Ramirez noong Sabado, November 9, nang mag-reply ito sa (PEP) Philippine Entertainment Portal sa pamamagitan ng text message noong una. Hindi kalaunan ay tumawag na rin ito to clear the issue about him and his rumored girlfriend StarStruck Batch 3 Female Ultimate Survivor, Jackie Rice.

Ayon kay Biboy, napasugod daw siya sa hospital dahil sa isang non-showbiz friend na nasa critical condition. Pero ayaw na nitong pag-usapan pa yun dahil hindi naman daw artista ang kaibigan.

Bago tumawag si Biboy, nag-text muna ang PEP sa kanya para alamin ang side niya kung totoo ngang nag-away at umabot pa sa pisikalan ang naging engkuwentro ni Jackie at ng mommy nito na si Vicki Sobreo.

Ang isyu kasi ay hindi raw pabor kay Biboy ang mommy ni Jackie. Ang gusto raw ng ina para sa anak ay ang kapareha ni Jackie sa Tatlong Baraha na si Maynard Lapid, anak ni Senator Lito Lapid. Ang ending, ayon sa mga nasusulat, pinalayas daw ni Jackie ang sariling ina mula sa bahay nito sa Manila.

"Walang tumama, swear to God! Saang planeta naman nanggaling ‘yan?" natatawang sagot ni Biboy, na unang napanood sa mga youth-oriented show na Besfriends at Click ng GMA-7 at naging first runner-up sa reality-based show na 30 Days.

On the other hand, hindi naman itinanggi ni Biboy na nagkaroon nga ng pag-aaway between Jackie and her mom.

"‘Yun, totoo yun!" sabi ni Biboy. "Nagkaroon nga sila ng konting away, or nagkasagutan, pero hindi naman umabot sa pisikalan or nagkasakitan na sila. Walang ganoon. At saka yung isyu naman nila, family matters... Usual na nagkakaroon ng tampuhan or diskusyon ang magulang at anak, but it has nothing to do with me."

Ayon pa kay Biboy, na kasalukuyang napapanood sa telefantasya na Atlantika ng GMA-7, wala raw siyang problema sa buong pamilya ni Jackie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Okey naman ako with her family...Sa mommy at sa daddy niya. At kahit sa mga kapatid ni Jackie, maayos, walang problema."



Bilang pagtatanggol pa rin kay Jackie, pinabulaanan din ni Biboy ang isyung dala ng pagpapalayas ni Jackie sa ina ay nasa Olongapo na naman ang huli imbis na kasa-kasama ng young actress dito sa Manila.



Paliwanag ni Biboy, "Hindi naman totoo ‘yon. Hindi pinalayas ni Jackie ang mommy niya. Ang mommy niya talaga ang gusto munang umuwi ng Olongapo dahil marami pa ring kapatid si Jackie na mas bata sa kanya na dapat alagaan ng mommy niya, tutal naman, ‘yung daddy niya, kasama na rin ni Jackie rito sa Manila.



Dagdag pa niya, "At saka, alam ko, okey naman sila. Nagte-text-an naman sila at nagtatawagan."



Nang tanungin kung bakit ilang buwan na rin ang itinagal ng relasyon nila ni Jackie, natawa lang si Binoy at nakiusap na huwag na lang daw yun pag-usapan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN