Nene Tamayo secretly marries former dance partner


Nene Tamayo is now married to her former dance partner in U Can Dance


Binigla ng Pinoy Big Brother grand winner na si Nene Tamayo ang publiko sa diretsahang pag-amin tungkol sa kanyang pagpapakasal sa dancer na si Anthony Flores Plamio. Naganap ang sikretong pagpapakasal ni Nene noong October 3, 2006, sa dating ka-partner sa dance show na U Can Dance.

Ginawa ni Nene ang pag-amin sa The Buzz last Sunday, December 10.

Samantala, nang nakausap sa telepono ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Nene kahapon, December 11, ibinalita nitong lilipad patungong Singapore si Anthony bukas. Dance instructor kasi ang mister ni Nene at four years ang kontrata nito sa Singapore, pero puwede naman daw umuwi anytime si Anthony sa Pilipinas.

Ayon pa kay Nene, may show sa December 23 si Anthony sa Singapore kaya hindi ito makakauwi ng Pilipinas. Hindi rin makakasunod si Nene kay Anthony sa Singapore dahil narun naman si Nene sa 2006 Metro Manila Film Festival Parade of Stars, kung saan kasama siya sa entry ng Regal Entertainment na Shake Rattle & Roll Part 8 ("Yaya" episode).

Pero magkasama raw sila sa New Year dito at sabay na silang babalik sa Singapore sa January.



"May church wedding kami dapat sa birthday ni Anthony on April next year pero kulang na kami sa time. Tapos dapat sa birthday ko na lang on September 27, pero may nagsabi sa amin na kulang yung petsa kaya sa 28th na lang ang napili namin," pagbabalita ni Nene.

Samantala, itinanggi ni Nene ang kumakalat na balita na three months pregnant na siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN