Rachel Alejandro apologizes to Kris Aquino


Not wanting to have any rift with Kris Aquino and her supporters, Rachel Alejandro sends an apology letter to the TV host-actress


Pagkatapos ng balitang pagsampal diumano ni Vina Morales kay Borgy Manotoc noong nagkita sila sa Greenbelt last Sunday, heto naman ang singer na si Rachel Alejandro na naglabas na ng kanyang written apology para kay Kris
Aquino.



Tulad ni Borgy, nag-guest din si Rachel sa radio program ni DJ Mo Twister sa dwTM na Good Times, kasama ang best friend na si Geneva Cruz. Nung tinanong si Rachel kung sino para sa kanya ang worst actress, ibinigay niya ang pangalan ni Kris. Dahil dito ay marami ang nagalit kay Rachel, especially ang mga kaibigan at supporters ni Kris.



Right after mag-guest sa radio show ni DJ Mo ay nagpunta sa Amerika sina Rachel at Geneva for a series of concerts. After realizing na mali ang kanyang ginawa, at sa dami ng negative reactions na nakaabot sa kanya, nagpadala siya ng sulat apologizing kay Kris.



Ayon sa nakasulat, pinagsisihan ni Rachel na nagising siya nang maaga that day. Wala na raw sana siyang planong umalis ng maaga. Pero nang sinundo na siya ng kanyang best friend na si Geneva ay wala siyang nagawa kundi ang sumama na rin papunta sa radio station ng dwTM sa Ortigas, Pasig City.



Samantala, may mga nagdududang ang manager ni Rachel na si Girlie Rodis ang gumawa ng sulat dahil malapit raw ito kay Kris. Pero mas mabuti na rin na hindi na pinatagal pa ang paghingi ng apology, 'di ‘tulad ng ginawa ni Borgy na nakatikim diumano ng sampal mula kay Vina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN