"Sam Milby is not gay!"--Say Alonzo


Say Alonzo and Sam Milby were once linked during their "Pinoy Big Brother" days.



Ipinagtanggol ni Say Alonzo ang dating housemate niya sa Pinoy Big Brother at close friend na si Sam Milby sa kumukuwestiyon sa pagkalalaki ng Fil-American actor-singer-TV host.

"I know 100% that Sam Milby is not gay!" mariing sabi ni Say sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the press con-cum-Christmas party of ABS-CBN's Star Magic last night, December 11, sa 14th Floor ng ELJ Bldg.

Lately kasi ay madalas na nadadawit ang pangalan ni Sam sa radio show ni DJ Mo Twister na Good Times. Sa "Forbidden Questions" segment ng programa ay tinatanong ang celebrity guests kung sino sa tingin nila ang bakla sa showbiz. When Borgy Manotoc, Geneva Cruz, and Rachel Alejandro guested sa show ni DJ Mo, they all mentioned Sam's name as an answer dun sa tanongkung sino sa palagay nila ay gay.



Hindi pa nariringgan ng anumang pahayag si Sam sa bagay na ito. Ngunit bilang isang malapit na kaibigan, nagbigay ng kanyang pahayag si Say sa mga nagsasabing bading ang kaibagan at ex-PBB housemate.

Sabi ni Say, "I'm sure! He's my friend and I've known him longer than DJ Mo. He's my closest friend in showbiz and I know 100% he's not gay. Every time that they mention in the papers and in DJ Mo's show... Siyempre, nahe-hurt ako kasi kilala ko ‘yung tao and I know that he's not gay."



Then she adds, "And you know, he's nice enough to not to say anything bad about the program or the person who's saying it. When I get the chance to talk to him, he will just say, it's okay..."



Ayon pa kay Say, napag-usapan na rin daw nilang dalawa ni Sam ang tungkol sa pagkukuwestiyon sa pagkalalaki ng ASAP co-host.



"Siyempre, he got parang upset," sabi ni Say. "Hindi naman siya kilala [ng mga taong naninira sa kanya] pero parang dyina-judge siya. Kahit ako rin naman, i-judge ako, masa-sad ako. It's just a normal reaction lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And we always tell him not to mind it. It's not true. Basta alam mo sa sarili mo kung ano ang totoo, it's all that matters. And I know that's not true talaga," depensa pa ni Say.



Nagawa na ba niyang itanong kay Sam nang diretso if he's really gay?



"No, because I don't need to ask him about that dahil alam kong hindi talaga siya gay. At saka, when I talked to him, he doesn't mind it, parang wala lang," sagot niya.

May mensahe rin si Say kina Borgy, Geneva at Rachel:



"Well, Sam is a very very good friend of mine and I've known him longer than them. I just hope that one day, they get to know Sam and give him a chance because he's not gay. Sam is one of the nicest persons that I know so he doesn't deserve all these. He doesn't deserve to be judged by people who don't even know him.



"Sana huwag silang magalit sa akin. Maganda naman ‘yung message ko, ‘di ba?" tila medyo nag-worry ng konti na balik-tanong sa PEP ni Say.



Kung sakaling imbitahan siyang mag-guest sa radio program ni DJ Mo ay papayag kaya si Say?

"I don't wanna answer some of his questions and I don't wanna be used in his radio program! I don't wanna be interviewed by DJ Mo because it's pointless. He's just using the artista to get ratings," diretsong sagot niya.



"Ako, wala na akong privacy because of PBB, pero ibibigay ko pa ba ‘yung konting natitirang privacy ko kay DJ Mo? My God! That's not right! And I know, he [Mo] will hate me for saying this but I don't care. I'm not scared, I'll say whatever I want.



"I don't know him. I don't want to judge him. Kung gusto niyang magpakatotoo ang iba, mag-umpisa siya sa sarili niya. At hindi talaga ako magpapa-interview sa program niya!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Say is in the cast of Regal Entertainment's Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh, an official entry sa 2006 Metro Manila Film Festival, as one of the amazonistas of Pops Fernandez. She is also regularly seen in ABS-CBN's Super Inggo and Studio 23's Wazzup Wazzup.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN