Cogie Domingo's father to sue director Gil Portes


Cogie Domingo (left) is one of the stars of Mourning Girls directed by Gil Portes (right) and co-produced by the young actor's mom, Zeny Domingo


Part-owner ng One Greenhills Shopping Place ang pamilya ng young actor na si Cogie Domingo. Ang One Greenhills Shopping Place (dating puwesto ng Ciudad Fernandina) ang pinakabagong tiangge place sa Eisenhower Street, Greenhills, San Juan.



Ang tatay ni Cogie na si Atty. Rod Domingo ang nagkumbinsi sa kanyang anak na maki-sosyo sa negosyo dahil hindi stable job ang pagiging artista.



Pormal na magbubukas sa publiko ang One Greenhills Plaza sa January 12, 2007. Mahilig si Cogie sa car gadgets kaya ito ang binabalak niyang ibenta sa stall na kukunin.



Bukod sa nalalapit na opening ng kanilang bagong business, napag-usapan din ang mga kaso na balak isampa ni Atty. Domingo laban sa movie director na si Gil Portes.



Ang grupo ni Portes ang producer ng Mourning Girls, isa sa mga official entries sa Metro Manila Film Festival noong nakaraang taon. Nakipagsosyo kay Gil si Mrs. Zeny Domingo, ang ina ni Cogie.



Ayon kay Atty. Domingo, tatlong milyong piso ang ibinigay ng kanyang asawa kay Portes pero walang nakuhang anumang kita ang maybahay niya nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikula.



Nagpahayag ng matinding disappointment laban sa direktor si Atty. Domingo dahil isang taon na ang nakalilipas, hindi pa tinutupad ni Gil ang pangako na babayaran ang kanyang asawa.



Hinihintay ni Atty. Domingo na matapos ang Pasko at Bagong Taon. Padadalhan muna raw niya ng "demand letter" ang direktor at kapag hindi pa ito magbabayad, magsasampa na siya ng civil at criminal case (estafa).



Nalaman din ni Atty. Domingo na hindi pa bayad ang mga artista at crew ng Mourning Girls. Ipinahayag ng ama ni Cogie na kung hihingin ng mga unpaid stars ang tulong niya, handa siyang ipagtanggol ang mga artista.



Suportado ni Cogie ang balak na pagde-demanda ng kanyang ama laban sa direktor ng Mourning Girls. Isa siya sa mga gumanap sa nasabing pelikula, kasama sina Assunta de Rossi, Glydel Mercado, Chin Chin Gutierrez, Juliana Palermo, at Ricky Davao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Idinagdag pa ni Atty. Domingo na maghahain din siya sa Bureau of Immigration and Deportation ng hold departure order para kay Portes. Ginawa na raw niya ito noong papunta sa Spain ang grupo ni Portes para sa shooting ng Barcelona.



Hindi muna itinuloy ni Atty. Domingo ang pagsasampa ng kaso at hold departure order dahil nakiusap sa kanya si direktor Joel Lamangan na kaibigan ni Portes. Pinagbigyan ni Atty. Domingo ang request ni Joel, pero ngayon ay dapat na raw siyang kumilos dahil isang taon na ang nakalilipas mula nang malugi sa pagpo-produce ng pelikula ang kanyang asawa.



Nabalitaan ni Atty. Domingo na naibenta raw ni Portes sa international market ang Mourning Girls, pero hindi binigyan ng parte ang kanyang misis.



Hindi rin daw sila nakatanggap ng share mula sa incentive na ibinigay ng MMDA at MalacaƱang Palace sa mga pelikula na nakasali sa 2005 Metro Manila Film Festival.



Iginiit ng ama ni Cogie na "deceit" ang term sa ginawa ni Portes sa kanyang misis, na naninirahan na sa Amerika at na-trauma nang husto sa kanyang unsuccessful partnership sa nabanggit na direkor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN