Comedienne admits undergoing cosmetic surgery


Kit-Kat is one of Pops Fernandez's amazonistas in "Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh"


Hindi itinatanggi ng TV comedienne at comedy bar host na si Kit-Kat na siya ay isang retokada. Niretoke raw ang kanyang ilong at pati na ang kanyang boobs.

Ito ang inamin ng comedienne sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh last Sunday, December 10, sa Imperial Palace Suites.

"Malapad kasi ang ilong ko noon. Hindi ako nagagandahan kaya ipinaretoke ko. Itong mga boobs ko naman, halos wala, kaya nagpadagdag ako. Mas maganda kasi ang kapit sa sexy na damit kapag malaki ang boobs. Noon nalalaglag ang mga damit ko kasi flat-chested ako. Ngayon, kapit na kapit na siya!" natatawang pag-amin ni Kit-Kat.

Ayon pa sa comedienne, ipapaayos daw niya ulit ang kanyang boobs dahil masyado raw matigas ang silicon na nailagay rito.

"Hindi raw kasi normal tingnan kasi masyadong matigas," sabi ni Kit-Kat na wala pa ring tigil sa pagtawa. "Ako nga nararamdaman ko na mabigat siya masyado kaya ipapa-enhance ko na lang para mas natural tingnan."

Dagdag pa niya: "Hindi naman ako natatakot sa pagpaparetoke kasi gusto ko naman e. Kung makaka-improve ba ito ng personality ko at makakadagdag ng confidence ko, bakit ako tatanggi, ‘di ba?"

Dahil daw sa kaseksihan ni Kit-Kat kaya siya nagkaroon ng boyfriend na isang businessman. Eight months na raw silang may relasyon at never pa raw silang nagtatalik.

"True ‘yon, hah!" sabi pa niya. "Ano ba ang akala niyo sa akin? Hindi naman ako mapaghanap ng sex. Tsaka wala pa kaming isang taon na magkarelasyon. Bakit naman ako bibigay kaagad?"

Ipinakita rin ni Kit-Kat sa PEP ang .42 carat na diamond ring na regalo sa kanya ng kanyang non-showbiz boyfriend. Hindi raw engagement ring iyon dahil wala pang balak mag-asawa ang comedienne.

"Gift lang niya ‘yan. Kasi tinanong niya ako kung ano ang gusto ko. Sabi ko diamond ring kahit maliit lang ang carat. Hayun, binili ako bigla!" tawa niya ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman ibig sabihin na magpapakasal na ako sa kanya nang dahil sa singsing. Alam niyang breadwinner ako ng family ko kaya marami akong obligasyon. Siguro kapag may sarili na akong bahay, kotse at napagtapos ko na ang mga kapatid ko sa school, mapag-iisipan ko na ang mag-asawa. Sa ngayon, career muna tayo," seryoso na niyang sabi.

Regular na mapapanood si Kit-Kat sa Pedro Penduko ng ABS-CBN. Kasama rin siya sa pelikulang Zsa Zsa Zaturnnah bilang isa sa mga amazonistas ni Pops Fernandez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN