Alfred Vargas secret fan of Jan Nieto


Actor Alfred Vargas (left) and Jan Nieto, who became part of Philippine Idol (Final 3), were classmates at the Ateneo de Manila University


Kahit hindi si Jan Nieto ang itinanghal na winner sa katatapos lang na grand finals ng Philippine Idol last Sunday, December 10, masaya ang sexy actor na si Alfred Vargas para sa singer na naging kaklase nito sa Ateneo de Manila University.

Nagulat nga raw si Alfred nang mabalitaan niyang sumali si Jan at nakaabot sa Final Three ng local version ng American Idol. Ni hindi nga raw niya alam na mahilig palang kumanta si Jan.

"Gulat talaga kami kasi tahimik lang ‘yan [Jan] noon," kuwento ni Alfred sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh, noong December 9 sa Imperial Palace Suites.

Patuloy pa niya, "Mabait siya at matalinong estudyante. Ang huli ko kasing nabalitaan sa kanya, he was working sa Unilever. Pero nabalitaan ko rin na he resigned from his job para sumali sa Philippine Idol.

"I'm really, really happy for him kasi ipinakita niya ang isang side niya na walang nakakaalam. Tuwing tinatanong nga ako kung sino ang gusto ko sa Philippine Idol, I always say I'm for Jan Nieto kasi kilala ko siya. Sayang nga lang that he didn't win [Jan lost to Mau Marcelo]. But I'm sure marami ang kukuha sa kanya because he is so talented pala."

Samantala, one month ding nawala si Alfred sa Pilipinas dahil sa taping ng drama series na Muli, a co-production of GMA-7 and a Malaysian TV network. Umitim nga si Alfred dahil babad daw siya sa araw doon sa Penang, Malaysia.

"Beach scene kasi ang kinukunan kaya grabe ang init doon. Pero iba naman ang feeling kasi you are working with different people from different cultural backgrounds, kaya excited akong mapanood na itong Muli next year," masaya pa niyang kuwento.

Naging best friend ni Alfred ang leading lady niya sa Muli na si Carrie Lee, a former Miss Malaysia titleholder. Wala naman daw silang naging problema sa communication dahil marunong daw mag-English ang naturang Malaysian actress-beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bilib sila sa husay ng Pinoy," sabi pa ni Alfred. "Very talented daw tayong lahat, lalo na when it comes to music and performing. Halos lahat daw kasi ng mga singers sa mga hotels, clubs, at music lounges sa Malaysia, mga Pinoy. Kaya tuwang-tuwa sila, puring-puri nila tayo roon."

Entry sa 2006 Metro Manila Film Festival ang Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh, kung saan ginagampanan ni Alfred ang role ng love interest ni Rustom Padilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN