Cass Ponti willing to be the second wife of Robin Padilla


Cass Ponti says she doesn't mind being the second wife of Robin Padilla.


Born and raised in Davao ang sexy star at ex-Pinoy Big Brother housemate na si Cass Ponti kaya hindi nakapagtataka kung may alam ito sa tradisyon at kaugalian ng mga Muslim, lalo na tungkol sa pag-aasawa.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Cass sa press con at Christmas party ng Star Magic—ang talent arm ng ABS-CBN—last December 11, sa 14th Floor ng ELJ Bldg., at nagbigay siya ng pahayag ukol dito.

"Di ba, ang sabi ay hanggang five ang puwedeng mapangasawa ng isang Muslim basta kaya mong i-provide ang mga kailangan ng mga asawa mo, mga anak mo, pamilya mo?" tanong niya.



"Noong nasa Davao pa ako ay niligawan ako ng isang Muslim. Pero wala na ‘yon kasi puppy love lang ‘yon, at saka di ko naman naisip na balang araw ay Muslim ang mapapangasawa ko."

Among the Filipino male celebrities, ang pinaka-high profile na Muslim ay ang action superstar na si Robin Padilla na may Muslim name na Abdul Aziz. Nagpa-convert siya noong nabilanggo siya sa Muntinlupa sa salang illegal possession of firearms noong mid-‘90s.



Nang tanungin kung papayag siyang maging isa sa mga asawa ni Robin, walang kagatol-gatol na "oo" ang sagot ni Cass.

"Why not? Muslim naman siya. Puwede siyang magkaroon ng maraming asawa, ‘di ba? Robin Padilla ‘yon e," sagot pa ng sexy star.



Inamin ni Cass na matagal na niyang natitipuhan ang action superstar, pero wala lang daw silang pagkakataong magkakilala nang personal.

"Noon ko pa siya trip. Sobra! Sobrang taas ang paghanga ko sa kanya," kinikilig na sabi niya.



Kasal na si Robin sa asawa nitong si Liezl Sicangco at may tatlo silang anak na babae na naninirahan sa Australia. Handa ba si Cass na maging second wife ng action superstar?



"Second wife, oo, pero huwag naman yung third wife," nakangiti niyang tugon. "I mean kung talagang may kasal talaga na alam ko naman na mayroon dahil may kontrata... Sa akin okey lang ‘yon. Pero siyempre, kahit hinahangaan mo ang isang tao ay hindi naman ibig sabihin na sugod ka na lang ng sugod, ‘di ba? Hindi naman ‘yon ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dagdag pa niya: "Humahanga lang talaga ako sa tao kasi since elementary, siya na talaga ang gusto ko. At kapag pansinin ka lang ng isang Robin Padilla, hello!

"Nagkita na kami dati sa opening ng isang bar na sosyo ‘ata silang magkakapatid [Robin, Rustom, at Rommel]. Noong time na dumating siya, paalis na ako. Nagkita kami pero ‘di nagtagal ang aming conversation dahil maraming lumapit sa kanya para kausapin siya."



Kasama si Cass sa "13th Floor" episode ng Shake, Rattle & Roll 8 na official entry sa 2006 Metro Manila Film Festival.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN