Asia Agcaoili hosts


Viva Hot Babe member Asia Agcaoili is set to rock hardcourt fanatics with her new TV magazine show iPBA... Ang Bagong Laro.


Ang sexy at controversial Viva Hot Babe na si Asia Agcaoili ang napiling host ng iPBA... Ang Bagong Laro, isang 30-minute TV magazine show na ilulunsad ng Philippine Basketball Association simula January 7, 2007 sa ABC-5.

Tampok dito ang mga inside stories, scoops, and the lighter side of the PBA. Ito rin ang unang venture ng PBA sa television production.

Presented by PBA Entertainment, ang iPBA ay pinaghalong showbiz at sports. Tatampukan ito ng mga sikat na players ng liga, mga behind-the-game stories, off-court activities at iba pang topics na tiyak na maiibigan ng mga hardcore PBA fans at ng mga mahihilig sa showbiz news.

Sa press launch ng iPBA kahapon sa Gerry's Grill near ABS-CBN ay tinanong si Asia kung type ba niyang maka-hook ng isang basketball player?

Sagot niya: "Well, that is if the shoe fits—if you know what I mean. If I find someone that I jive with, then go. I like tall men. And a lot of basketball players are tall. I also like guys with abs, so in terms of physicality, there's the physical aspect right there. And if they are satisfactory mentally and I am sure a lot of them are, why not? Why do go through such hardships kung hindi naman sila mentally fit?"

Tinanong din si Asia tungkol sa kanyang mga prank callers at sinabi niya na nariyan pa rin naman daw ang ilan sa kanila. Pero dahil sobra raw siyang friendly, minsan daw ay hindi na siya niloloko ng kanyang mga callers.

"Makikipag-usap na lang sila. They get somewhere naman when they talk to me," pahayag pa ni Asia.

Although she's still very much a Viva Hot Babe, hindi na siya masyadong nakakasama sa gigs ng mga ito.

Happy rin si Asia sa oportunidad na dumating sa kanya na magkaroon ng solo career bilang isa TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Asia, hindi naman maiiwasan na magkakaroon siya ng provocative questions mula sa players sa kanyang 'Shocking Asia' segment sa iPBA. Pero hindi naman daw siya siguro magkakaroon ng problema sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

Masaya nga si Asia dahil ang unang dalawang players na na-interview niya para sa "Shocking Asia" ay sina Enrico Villanueva ng Red Bull at Joseph Yeo ng Coca-Cola, na pareho niyang crush.

Napanood din niya ang eksenang nagkainitan at nagkasuntukan ang dalawang guwapong basketball players at lalo raw siyang kinilig sa dalawa.

"Sabi ko sa sarili ko, ang sarap ng feeling isipin na ako sana ang pinag-aawayan nila," wika pa ni Asia.

.

Kabilang din sa mga segments na tiyak na magki-click with the viewers of iPBA include 'PBA Insider', an exclusive peek into the hottest intrigues and controversies around the league and 'Eye PBA', a recap of the previous games complete with other related news and tidbits.

Other portions of the show will have exclusive footage of PBA players doing off court activities like their hobbies, favorite hangouts, charity events, and other interests.

iPBA...Ang Bagong Laro will air every Sunday 3:30 to 4 p.m. on ABC 5 beginning January 7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN