A new and daring Sheryl Cruz


Sheryl Cruz is receiving good reviews for her effective portrayal of a villain in "Bakekang"


Masayang-masaya ang aktres na si Sheryl Cruz dahil marami ang pumupuri sa pagganap niya bilang Valeria sa GMA-7 primetime drama series na Bakekang. Marami kasi ang nagugulat sa kanyang role roon bilang kontrabida, lalo na't may love scenes siya sa mga leading men niya ritong sina Jay Manalo at Marcus Madrigal.



Aware si Sheryl dito. Pero ayon sa kanya, isang paraan daw iyon para ipakita niya na kaya niyang gampanan ang iba't ibang klase ng roles sa TV at maging sa pelikula.



"I get many good reviews for playing Valeria. Ako nga mismo, nagugulat din ako sa mga eksena. Sila mismo sa set [ng Bakekang], shocked kasi ang dating sweet na Sheryl ay nakikipaghalikan na at may mga bed scenes pa!" natatawang sabi ni Sheryl sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the press con of Shake, Rattle & Roll 8 last week sa Imperial Palace Suites.


"But that's all part of my character in Bakekang. Offbeat kung tutuusin ang role ni Valeria. Alam ko na ito ang gustong gampanan ng maraming actresses ngayon. I'm just lucky that it landed on my lap at talagang tinanggap ko para naman maiba," dagdag pa niiya.

Kung titingnan mo kasi si Sheryl, very prim and proper, at kung tumawa ay halos ‘di mo marinig. Kabaligtaran sa pagganap niya bilang Valeria na malditang-maldita pati ang pagtawa.



Paliwanag niya, "Malaking tulong kasi sina Direk Kryrss Adalia at Direk Gil Tejada [Bakekang directors] sa pag-create ko ng character ni Valeria. Noong una, nahirapan ako kasi hindi talaga ako gano'n in real life. But I need to step out of the box kaya kinaka-career ko talaga. Kita n'yo naman, ang bangayan namin ni Bakekang [Sunshine Cruz] ang hinihintay ng viewers, ‘di ba?"

Sheryl, daughter of former actress Rosemarie Sonora and the late actor Ricky Belmonte, started her showbiz career as a child actress. When she was a teenager, naging bahagi siya ng youth-oriented show na That's Entertainment, kung saan nakilala silang tatlo nina Kristina Paner at Manilyn Reynes (her Bakekang co-star) bilang Triplets. Sa movies naman ay naging contract star siya ng Seiko Films and she was paired with Romnick Sarmenta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang ikasal si Sheryl sa police officer na si Norman Bustos sa San Francisco, California, ay panandaliang iniwan ng aktres ang showbiz upang mag-concentrate sa pagiging asawa at ina.

Two years ago ay bumalik siya ng Pilipinas and made a successful showbiz comeback.

Aside from Bakekang, mapapanood din si Sheryl sa "Yaya" episode ng Shake, Rattle & Roll 8, an official entry sa 2006 Metro Manila Film Festival.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN