AJ Dee willing to do frontal nudity


AJ Dee says he can do frontal nudity for an international audience, but will only go "butt naked" for the local audience.



Marami ang nakakapansin na mas daring pagdating sa mga sexy pictorials ang nakababatang kapatid ni AJ Dee na si Enchong Dee.



Sa latest edition ng Metro magazine ay kasama si Enchong sa yearly Body Calendar. Maging sa Cosmopolitan Bachelors 2006 ay daring din ang kuha ni Enchong. Kitang-kita ang magandang porma ng katawan ni Enchong at mukhang okey lang sa swimmer-actor ang mag-pose ng gano'n ka-sexy.

Ayon sa kuya ni Enchong na si AJ ay okay lang naman daw ang pagpapa-sexy ng kapatid dahil pinagdaanan din niya ito.



"Before sumasali pa ako sa mga contest na ang suot lang namin ay mga skimpy swimming trunks. Nag-runner-up ako before sa Mossimo Bikini Summit, ‘di ba?" pagbabalik-tanaw ni AJ sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sa press con ng Mano Po 5: Gua Ai Di, last December 3 sa Imperial Palace Suites.



Dagdag pa niya: "Kaya ‘yung ginagawa ngayon ni Enchong, okay lang because swimmer naman siya and he has the body for it. Kung karapat-dapat na makita, ipakita mo pero huwag naman lahat. Still give them some space for imagination."



Maging si AJ ay mas maganda ang katawan ngayon dahil talagang pinagpapaguran niya raw talaga ito. Paghahanda ba ito sa pagpasok na rin niya sa todo-todong pagpapa-sexy?



"Puwede rin bakit hindi?" natatawang sabi niya. "Right now, keeping fit lang ako. Wala pa kasi tayong bagong show sa ABS-CBN kaya mga modeling jobs ang natotoka sa akin ngayon. I don't mind doing sexy roles basta na pang-international ang caliber."



So okay lang kay AJ na mag-frontal nudity siya?

"Like I said, kung may international audience ito at para sa mga film festivals abroad, why not? Tsaka kung magaling naman ang gagawa, I wouldn't mind," sagot niya.



"Pero kung dito lang [sa Pilipinas], tama na siguro ‘yung naka-underwear ako. The pinaka-daring I can go is to go butt naked. Hanggang doon na lang siguro. Gusto ko rin naman ipalabas sa mga SM Cinemas ang magiging pelikula ko, ‘di ba?" sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN