Christian Bautista: From singer to actor


Christian Bautista wrote and composed the theme song of "Mano Po 5: Gua Ai Di," where he is also an actor.


Gandang-ganda ang marami sa theme song ng Mano Po 5: Gua Ai Di na "My Heart Has A Mind Of Its Own," na isinulat at inawit ni Christian Bautista.



Maganda rin ang music video na ginawa for the theme song, at marami ang nakakapansin na mas maganda at mas klaro na ang boses ni Christian ngayon. Nailayo na rin niya ang image niya sa dating ginagayang si Josh Groban.

Ngayon kasi ay may sarili na siyang titulo bilang Asia's Pop Idol.

Sa press con ng Mano Po 5 last December sa Imperial Palace Suites ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Christian at nagbigay siya ng pahayag tungkol sa observation na ito sa kanya.

"Kung gano'n ang observation nyo, thank you very much," paunang sabi niya. "I always try to be different in my performance parati. Marami kasi ang nagsasabi na I copy daw some singers pero deep inside, may sarili akong identity.



"Now, I'm coping with what I'm giving out. Ito na ‘yung Christian Bautista na hanap nila. I'm more confident now because I know that there are people who love to listen to my songs, and this song that is included in the movie is one of my best songs to date."



Sa press conference for Mano Po 5 ay lilipad dapat si Christian sa Indonesia for a launch ng isang beverage na gawa ng San Miguel Inc. na siya ang prime endorser. Pero ipina-move nila ang launch sa Indonesia para lang makaharap si Christian sa media at mag-promote ng movie.


Bukod kasi sa kanyang awitin ay kasama rin si Christian sa cast ng official entry ng Regal Entertainment sa 2006 Metro Manila Film Festival. Ginagampanan niya ang role ng isang sikat na singer sa Singapore na nakatakdang pakasalan si Angel Locsin.



"I feel na very special itong Mano Po 5 because it's my first movie and I was able to work with the best people in the industry. I like to thank Direk Joel Lamangan for giving me good pointers. Na-tense ako noong first shooting day ko, but he was there to really boost me up," pahayag ni Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dagdag pa niya: "I also like to thank my co-stars Richard [Gutierrez] and Angel. They made me feel so welcome in the movie. Ang babait nila and I wish that many people will get to work with these two kasi they are the best."

Christian, who was a finalist in the first Star In A Million, is regularly seen in the Sunday musical variety show ASAP '06 of ABS-CBN.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN