Polo Ravales denies dating Jennylyn Mercado




Sa ginawang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal)kay Polo Ravales sa final press con ng Super Noypi kagabi, December 15, sa Imperial Palace Suites, ay nalaman namin mismo sa aktor na isa si Ara Mina na kumukumbinsi sa kanya para mag-voice lesson. Maiging karagdagang raket daw ito ni Polo sa panahon na hindi nanunumbalik ang kasaganaan sa industriya.

"Seriously, nagbo-voice lesson ako ngayon para makasama sa kanyang [Ara] mga show. Before naman talaga ay kumakanta ako sa mga shows para maiba naman ang ginagawa ko," sabi ni Polo.


"Actually, marami ang nag-advise sa akin na mag-aral akong kumanta. Sabi ni Hazel [tunay na pangalan ni Ara] na mag-aral ako. Sayang daw ang opportunity na puwede kaming magkasama sa abroad for some shows. Sayang naman daw dahil imbes na kung saan-saan ako nagpupunta at ano-ano ang mga ginagawa ko, mag-voice lesson daw ako at kikita pa ako."


Sa nasabing press con ay suot ni Polo ang kanyang costume na black trench coat sa Super Noypi, na lalong nagpatingkad sa kanyang pagiging clothing-line endorser.

Sa ngayon daw ay ingat na ingat ang sexy actor sa kanyang mga kilos habang nasa Belgium ang girlfriend niyang si Ara. Ayaw raw niyang may masabi sa kanya si Ara habang wala siya rito sa Pilipinas.

"I'm sure na nakakarating kay Hazel ang mga ginagawa ko dahil marami siyang mga mata dito. Siyempre, talagang nag-iingat ako. Pero alam naman ni Ara na wala akong gagawing ayaw niya," paniniguro ni Polo.


Does it mean takot siya kay Ara?


"Hindi naman," mabilis niyang tugon. "Ayaw ko lang kasi na magkaroon ng issue. Ayaw ko na magkaroon ng away, kaya yung mga actions ko, tinitingnan ko muna kung tama ba o hindi."


Inamin din ng sexy actor na madalas siyang nalulungkot dahil nami-miss nito ang kanyang girlfriend na madalas out of the country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, nalulungkot din," nakangiti niyang sabi. "Kaya lang, puro trabaho lang talaga ang ginagawa ko dito. Kahit papaano, imbes na malungkot ako, e dinadaan ko na lang sa trabaho. Siguro iba 'yon kung wala akong madaming trabaho, malulungkot ako.


Dagdag pa niya: "Kahit naman malayo siya, nag-uusap kami. Nagti-text kami parati. Actually, nagpapadala siya ng MMS, mga pictures niya at kinukuwentuhan niya ako kung ano ang nangyayari sa kanya."


Samantala, pinabulaanan ni Polo ang kumakalat na balitang nagkakamabutihan sila ng co-star niya sa Super Noypi na si Jennylyn Mercado. Balita pa ngang nag-date sila habang wala si Ara.

"Hindi totoo 'yon. Magkaibigan lang kami ni Jen, wala. Di totoo ang balitang 'yan at di kami nag-date. Never. Di ko alam kung saan nanggaling ang isyung 'yan. Hindi totoo 'yan dahil one-woman man ako," paliwanag ni Polo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN