Jennylyn happy this Christmas because of Patrick?


Jennylyn Mercado says that it's not only Patrick Garcia that makes her Christmas this year happy.


Dahil break na sa kanyang dating boyfriend na si Mark Herras, marami ang nag-aakala na magiging malamig ang Pasko ng young actress na si Jennylyn Mercado.

Sa press con ng Super Noypi kagabi, December 15, sa Imperial Palace Suites, ay pinabulaanan ni Jennylyn na magiging malamig ang Pasko niya ngayong taon. Taliwas sa inaakala ng marami, ayon sa young actress ay ito na raw ang magiging pinakamasaya niyang Pasko.

Dahil kaya ito sa nababalitang bagong boyfriend niya na si Patrick Garcia?

"No, it's not only Patrick dahil friends lang naman kami," nakangiti niyang sagot. "Happy ako dahil kumpleto ang family ko, lahat ng friends ko nandito, tapos lahat ng mga supporters ko ay nandito na continuous pa rin ang pag-support nila sa akin."



Dagdag pa niya: "Special sa akin ang Paskong ito dahil marami ang mga taong laging nandiyan para protektahan ako kahit anuman ang mangyari sa akin."



Nang tanungin kung kasama si Patrick sa mga taong tinutukoy niya, "opo" ang naging sagot niya.

"Sweet" ang description ni Jennylyn kay Patrick, pero may mga pagkakataon daw na hindi nila ipinapakita sa publiko ang nasabing sweetness dahil baka makaapekto ito sa screen loveteam niya with Mark.

"Umiiwas lang po sa intriga," sabi ni Jennylyn. "Lalo na kung marami ang nakatingin, iwas na lang para maprotektahan ang sarili ko at para rin maprotektahan si Patrick."



Kasama ni Jennylyn si Mark sa Super Noypi, na isa sa apat na official entries ng Regal Entertainment sa 2006 Metro Manila Film Festival.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN