Direk Joey Reyes defends Gretchen Barretto


Joey Reyes is the director of "Matakot Ka Sa Karma," the first movie of Gretchen Barretto after nine years.


Ipinagtaka ng direktor na si Jose Javier Reyes kung bakit may mga negative issues laban kay Gretchen Barretto tungkol sa diumano ay pagiging prima donna niya. Nabanggit niya ito nang hingan siya ng comments sa press conference ng Matakot Ka Sa Karma ng Canary Films noong Thursday, December 14, sa Virgin Cafe, Tomas Morato Extension, Quezon City.

"Hindi ko maintindihan kung bakit pinapansin nila kung bakit may mga yaya, mga bodyguards, at may isang trailer ng gamit niya si Gretchen," sabi ni Direk Joey. "Wala naman sigurong masama kung ganoon siya dahil she can afford naman. Para sa akin, Gretchen is always with us during the shoot, hindi siya nagpi-prima donna. Ginagawa niya kung ano ang ipinagagawa ko sa kanya na walang reklamo.

"She is always generous. Kapintasan ba kung pagkatapos ng shooting, iyong mga damit na isinuot niya na nagustuhan ng mga kasama niyang babae sa movie ay ibinigay niya? Nagbiro pa nga raw si Rica Peralejo, na kasama rin sa pelikula, kung bakit hindi siya sa episode ni Gretchen isinama.

"Hindi rin siya maramot. Noong nag-dub siya ng mga lines niya, kapag nagpabili siya ng pagkain, hindi lamang siya ang kumakain. Lahat ipinagpabili niya... Kahit mga technicians, pinakain niya."

Dagdag pa ng direktor: "Ang lagi kong sinasabi sa kanya, I hate her dahil bakit hanggang sa ngayon ang ganda-ganda pa niya. It's nice working with her and she is one of the most beautiful faces in showbiz."

Dahil kilalang prangka, tinanong din si Direk Joey kung ano ang masasabi niya sa sabay-sabay na pagpapalabas ng siyam na entries sa 2006 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December 25.

Sagot niya, "Hindi maganda, dahil kahit marami na rin tayong cinemas, kung siyam naman ang maghahati-hati, kakaunti pa rin ang makukuha nilang theaters at hihina ang kita. Iyong mga mahihina, baka mag-first-day-last-day na lamang sila, at iyong malakas, hindi pa rin masyadong mataas ang kikitain dahil kakaunti nga ang sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana lamang, bago magsimula ang festival sa December 25, makapag-decide na rin sila na gawin na lamang seven movies ang magsisimula sa December 25 at ang dalawa pang movies ay mag-start naman sa January 1 tulad ng dati."

Dalawa ang movies ni Direk Joey sa MMFF this year—itong trilogy na Matakot Ka Sa Karma with Gretchen, Rica, and Angelica Panganiban, at ang Kasal, Kasali, Kasalo ng Star Cinema na nagtatampok kina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Hindi kaya mabuhay na naman ang rivalry nila ni Direk Joel Lamangan na dalawa rin ang entries sa festival—ang Zsa Zsa Zaturnah Zee Moveeh at Mano Po 5: Gua Ai Di (I Love You) ng Regal Entertainment? Last year kasi, nanalo ang Blue Moon ni Direk Joel, pero siya naman ang nanalong Best Director for Kutob.

"Sana wala naman dahil last year, nanahimik lamang ako. I don't make movies to win an award, I just love doing movies. Tsaka magkaibigan kami ni Joel na tinatawag kong ‘Iska' at ako naman ay tinatawag niyang si ‘Gunding.' Magkabalikat kami at iisa ang ipinaglalaban namin," paliwanag ng direktor na nakilala sa makatotohanan at witty dialogue lalo na sa mga istoryang modern ang setting.

He also added, "Tsaka wala naman ako rito sa awards night dahil I will be in Boracay for Christmas and New Year. Ayaw kong mag-attend ng awards night dahil I hate wearing formal attires, madali akong magutom e. 'Di ba, ang tagal-tagal ng awards night? Tsaka umiiwas na nga ako sa controversy, ayaw ko na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN