StarStruck hopeful being linked to Gerald Anderson


Starstruck contender Farina Runkle says Pinoy Big Brother teen housemate Gerald Anderson and she are "just friends."


Credibility is the name of the game, and this early, natutunan na ni Farina Runkle not to lose this if she wants her showbiz career to move forward.

One of the top 20 girls na natitira sa StarStruck The Next Level si Farina (real name: Sharleen Farina Runkle). Last week, isa-isa nang sumalang ang natitirang top 40, boys and girls, sa StarStruck Council (composed of Louie Ignacio, Lorna Tolentino, and Douglas Quijano) para ma-grill at ilabas ang mga natatagong sikreto nila.

Simple lang ang naging issue kay Farina: Sila ba ni Gerald Anderson? Or naging sila ba ni Gerald? Gerald is ABS-CBN's Pinoy Big Brother Teen Edition 2nd runner-up and ka-loveteam ngayon ng ultimate winner na si Kim Chiu. May mga naisulat na Gerald and Kim are now playing sweet music together.

Ang naging sagot ni Farina, hindi raw. Friends lang daw sila. Idinagdag pa niya na hindi pa raw siya pinapayagang makipag-boyfriend ng kanyang father who is very strict. When the Council reminded Farina na may mga nakita silang pictures na sweet sila ni Gerald, nilinaw niya na bilang magkaibigan ay sweet lang talaga sila. Yung kuha sa picture ay nothing more than a friendly embrace or, at most, isang nose-to-nose na show of affection.

The night after the interview, naglabasan na ang mga sinasabing sweet pictures nina Farina at Gerald and the friendly embrace and nose-to-nose shot included so much more—merong lips-to-lips shot ang dalawa. This is something she said they didn't do and something that "just friends" don't do.

As of press time, wala pa ring reaksiyon si Farina sa mga naglabasang photos. Maging si Gerald, who was with Farina in the photos, ay wala pa ring pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN