Jennylyn answers issues linking her to three young actors


Jennylyn Mercado says that her happiness is not caused by any guy, but by the blessings she has been receiving.


Sa final press con ng pelikulang Super Noypi last Friday, December 15, sa Imperial Palace Suites, ay halatang blooming si Jennylyn Mercado. Hindi kasi maalis ang ngiti sa mukha ng young actress.

Biro tuloy ng mga entertainment press ay dahil siguro yun sa nababalitang boyfriend niyang si Patrick Garcia.

"Hindi po, friends lang talaga kami ni Patrick," nakangiting pagtanggi ni Jennylyn. "Masaya po ako dahil ang daming blessings na dumarating sa akin kaya kahit nakakapagod din, hindi ako nagrereklamo. Thankful ako sa Regal Films dahil for the first time, nagkaroon ako ng action movie. Naiiba naman ang Super Noypi."

Pero hindi maalis na may intriga pa rin kay Jennylyn. Ipinagpapasalamat nga ng young actress na lumipas na rin ang issue tungkol sa sex video daw nila ng ex-boyfriend niyang si Mark Herras dahil wala naman daw talagang katotohanan ito.

Samantala, natawa si Jennylyn sa bagong intriga sa kanya na nagkabalikan sila ni Jake Cuenca. Siya pa raw ang pumupunta sa condominium unit ng young actor para magkita at magkausap lang sila. Dating magkasama sa GMA-7 shows sina Jennylyn at Jake ngunit middle of this year ay lumipat sa bakuran ng ABS-CBN ang young actor.

"Kaya pala nag-text sa akin si Jake na may issue na naman daw kami," nagtatakang sabi ni Jennylyn.

Dagdag pa niya, "Wala po iyong katotohanan. Naging close lang kami ni Jake noong magkasama pa kami sa Encantadia, at walang ligawan o naging boyfriend ko si Jake. ‘Tsaka sa dami ng trabaho ko, may time pa ba akong puntahan si Jake para lang kami makapag-usap? Kung minsan nga, may araw na hindi ko alam kung paano pagkakasyahin ang schedule ko."

Ang lalong ipinagtataka ni Jennylyn ay ang issue sa kanila ng Super Noypi co-star niyang si Polo Ravales. May lumabas kasing balita na nag-date daw silang dalawa.

"Ha? Saan naman nanggaling iyon?" natatawa niyang tanong. "Si Polo na lang ang tanungin ninyo dahil wala namang katotohanan ang intriga na iyan. Magkasama lang kami ni Polo sa Super Noypi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa separate interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Polo ay itinanggi rin nito na may namamagitan sa kanilang dalawa ni Jennylyn. Idinagdag pa ng boyfriend ni Ara Mina na never daw silang nag-date ni Jennylyn.

Ibinalita rin ni Jennylyn na sa December 24 ay out na ang men's magazine na Maxim kung saan siya ang cover.

"A little daring lang po," sagot niya nang tanungin kung talagang nagpa-sexy siya sa pictorial niya para sa Maxim. "Hindi ko lang matanggihan si Direk Quark Henares [director ng Super Noypi], dahil promo na rin daw ‘yon ng movie namin. Inalagaan naman nila ang pictorial ko na walang skin na makikita. Naka-shorts and sleeveless tops lang ako. Hindi ko kaya ‘yung mga sexy pictorial."

Hindi raw niya hiningan ng comment si Patrick, pero nang malaman daw ng young actor ang pagpu-pose ni Jennylyn, ang sabi raw nito sa dalaga ay susuportahan niya ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN