Sandara will not share Joseph with a gay lover


Aware that a lot of gays like her boyfriend Joseph, Sandara Park remarks, "Okay lang if they like him. Huwag lang siyang makikipaglandian sa kanila."



Aware pala si Sandara Park na maraming mga babae at mga bading ang nagkakagusto sa kanyang boyfriend na si Joseph Bitangcol. Hindi naman daw niya mapipigilan iyon lalo pa't likas na palakaibigan si Joseph at madali raw mahuli ang kalooban nito.

Ito ang ipinahayag ng young Korean actress sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng Super Noypi last Saturday, December 16, sa Imperial Palace Suites.



"Joseph is a very approachable person. He's guwapo kasi kaya girls and gays like him. Okay lang if they like him, huwag lang siyang makikipaglandian sa kanila," tawa ni Sandara.

Matatanggap ba ni Sandara na kasabay ng kanilang relasyon ay may karelasyon din na babae o bading si Joseph?



Sabi niya, "Sa gays, I guess I don't have to worry. Unlike sa babae [na] may possibility na magkaroon ng serious relationship. But of course, magagalit ako. I don't like unfaithful people, especially if he's my boyfriend. Sasama ang loob ko."



Dagdag ng batang Koreana, "Kung sa mga gays naman, baka naman for experience lang and it's nothing serious. Pero kapag matagal na yun, okey lang. That's the past. Pero kapag sinabay niya ako at ang gay, I will feel bad. Hindi ko yun matatanggap."

Habang nakatawa, hirit pa niya, "But I will ask Joseph first kung may gay na ba siyang nakarelasyon."


Samantala, nagpapasalamat si Sandara dahil nabigyan siya ng pagkakataon ni Mother Lily Monteverde na magkaroon ulit ng pelikula sa pamamagitan ng Super Noypi. Ayon pa sa young actress, masusundan ito ng isa pang pelikula na pagtatambalan nila ni Joseph.

"Mother Lily said that she has a movie for me and Joseph. I haven't read the script yet, pero she promised that she will produce us a movie. Kaya thank you kay Mother Lily," excited na sabi niya.



May isa pa palang pelikula na natitira sa kontrata ni Sandara sa Star Cinema, the movie arm of her mother studio ABS-CBN. Pero mukhang wala pang plano ang mother studio ni Sandara na bigyan siya ng movie. Pati regular TV show sa Kapamilya network ay wala pa ring naibibigay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nahihiya kasi ako," sabi ni Sandara. "I'm not strong enough to ask them kasi baka ma-disappoint lang ako. Nakaka-frustrate minsan because I was so busy before sa Dos. Now my income comes from my rackets outside of ABS-CBN 2."

This Christmas, wish ni Sandara na magkaroon siya ng maraming trabaho dahil siya ang bumubuhay sa buong pamilya niya.

Kasama ni Sandara sa Super Noypi, an official entry in the 2006 Metro Manila Film Festival, sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Katrina Halili, John Prats, at Polo Ravales.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN