Joross Gamboa holds a Christmas party with fans


Joross Gamboa and his parents treated the young actor's fans to a special Christmas party.



Ikalawang taon na ng pagbibigay saya ng young actor na si Joross Gamboa sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng isang fans day-cum-Christmas party for his fans. Tila nagiging tradisyon na nga raw niya ang pag-i-spend ng ilang oras sa buwan ng December for his fans nang kahit paano'y makapagbigay siya ng "little gift" sa kanila.


Ang naturang fans day/Christmas party ay ginanap sa Max's Restaurant sa may Scout Tuazon, Roces Avenue, last December 17, 4 p.m. Halos more than 100 fans ni Joross ang nakisaya sa kanya.

Maging ang buong pamilya ni Joross ay present that day para maipakita rin ang kanilang pasasalamat sa patuloy na suportang ibinibigay ng mga fans kay Joross.

His dad, Nato Gamboa, is a Customs examiner while Mom Monet Gamboa is a realtor. Joross has two younger siblings: Jvix, 18, and Jillian, 11.



"Last year, sobrang saya rin naming lahat. May mga games, giveaways, at pa-raffle din na na-enjoy naman ng lahat ng dumating. Supposedly, fans day ko sana days before my birthday [November 28], kaso nag-decide na rin kaming lahat, including the Solid Joross fans club, na pag-isahin na lang namin ‘yung fans day at Christmas party," kuwento niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ang naging punong-abala nga sa naturang event ay ang mommy ni Joross na siyang namili ng mga pa-raffle prizes at nagbalot ng mga regalo katulong ang mga kapatid ni Joross.



Pero kung may masasabing pinaka-promotor, ayon na rin kay Joross, ito ay ang pinaka-leader ng Solid Joross fans club na si Lazara Manalo. Simula pa lang nang sumali sa Star Circle Quest si Joross ay naging loyal supporter na niya ang tinatawag niyang "Ate Aring."



"Isa sa nagbibigay inspirasyon sa akin sa showbiz ay ‘yung mga kaibigan at sumusuporta sa akin tulad ni Ate Aring, na simula pa lang ng SCQ, nandiyan na sa tabi ko at sumusuporta. At alam kong nakikipaglaban talaga for me," sabi ni Joross.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Naiisip ko nga, alam ko na ‘yung support ng mga fans ko sa akin, mahirap mapantayan man lang. Kaya kahit through this kind of gathering, sana ay mapasaya ko rin sila lalo na at malapit na ang Pasko."



Bukod sa mga Solid Joross, sumuporta rin sa kanya ang ilang fans ng ibang Kapamilya stars. Katuwiran nila, sila raw ang klase ng fans na basta Kapamilya stars ay sigurado ang suporta nila.



Samantala, napag-alaman din ng PEP kay Joross na sa Christmas eve at Christmas day ay uuwi sila sa Batangas ng kanyang daddy para doon mag-spend ng holidays. Ito ay magsisilbing reunion na rin daw ng side ng daddy niya.



Break na rin daw niya ‘yun from work. Regular na napapanood si Joross sa At Home Ka Dito every Sunday at semi-regular naman siya sa ASAP '06.

Kasalukuyan pa rin daw silang nagte-taping sa mala-anime series ng Dos na tinawag na Rounin. Malamang ay ma-move pa raw ang airing nito sa Marso. Ang ilang tiga-PEP na nakakita na ng ilang minutong frames ng bagong serye, gaya nina Jo-Ann Maglipon at Lisa Gokongwei, ay nagsasabing "malinis at interesting, pinaggugulan ng skill at panahon, mukhang winner" ang Rounin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN