Dennis Trillo working hard on his debut album


Dennis Trillo's first album is produced by Regine Velasquez and Ogie Alcasid



Pinagbabawalan muna pala si Dennis Trillo ng record producers niyang sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na mag-show sa mga comedy bars.

Ginagawa raw kasi ni Dennis ang kanyang debut album para sa IndiMusic nina Regine at Ogie. Gusto raw nilang ma-preserve ang boses ng young actor habang hindi pa tapos ang album. Bawal daw kay Dennis ang magpuyat at baka maapektuhan ang boses niya.

Ito ang naging pahayag ng young actor-turned-singer sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Christmas party ng Enpress last December 14, sa Baliwag Grill restaurant, sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City.



Inamin ni Dennis na nahirapan siya sa recording dahil sinasanay pa niya ang tamang paghagod ng hininga niya. Hindi lang dapat sa recording nakatuon ang atensiyon mo, kailangan daw ay may technique ka.



"Nagpapasalamat nga ako kay Ms. Regine dahil nakatutok siya sa akin throughout the recording sessions," nakangiting sabi ni Dennis. "Nakikita niya ang mga mali ko sa pag-awit at kinokorek niya 'yon. Gusto raw kasi niya na maging maganda ang first album ko na magiging unang produced album ng IndiMusic. Kaya ako, kina-career ko na rin ito."

Sa January 2007 na ang launching ng kanyang self-titled debut album.


Sa taong 2006, isa si Dennis sa matatawag na mga top achievers sa showbiz dahil sa pagiging in-demand niya bilang leading man sa mga GMA-7 TV dramas. Sa katunayan, naging leading man siya ni Angel Locsin sa Darna at maging sa Majika. Nasundan ito ng Now And Forever Presents Dangal, na si Jennylyn Mercado naman ang kanyang naging katambal.

Sa pelikula ay nagbida siya sa dalawang horror movies: Pamahiin at TXT.

Ngayon ay nagsisimula na si Dennis para sa bagong primetime telefantasya ng GMA-7 na Super Twins, kung saan makakasama niya sina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte.

Mainstay rin si Dennis sa Sunday musical variety show na SOP, kung saan kasama niya sina Regine at Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN