Zsa Zsa Padilla concedes that Vic Sotto's film is unbeatable


Zsa Zsa Padilla (pictured) stars in ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh, which will go up against Vic Sotto's Enteng Kabisote 3.



Aminado ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla na mahirap talunin sa takilya ang pelikulang Enteng Kabisote 3 sa Metro Manila Film Festival. Kumbaga, handa naman daw silang mga nasa ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh sa mangyayari dahil alam nilang malakas talaga ang hatak ng pelikula ni Vic Sotto sa masa.



"Hindi na kinukuwestiyon ang box-office power ni Vic Sotto, ‘di ba? This is his third Enteng Kabisote and everyone knows na it will be bigger than the ones he did before," sabi ni Zsa Zsa sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sa press con ng ZsaZsa Zaturnnah, last week sa Imperial Palace Suites ni Lily Monteverde.

"Kaya kaming natitirang walo pang entries, kuntento na kami na maging No. 2 or No. 3 [sa box-office]. Kami naman, we're very confident in our movie and we know na may maganda kaming mao-offer sa kanila [moviegoers]."



Ayon pa kay Zsa Zsa, may market din ang pelikula nilang ZsaZsa Zaturnnah. Puno raw kasi ito ng katatawanan at may aral din na maibabahagi sa mga manonood.



"Kahit all-out comedy kami, may puso pa rin ang ZsaZsa Zaturnnah. Direk Joel [Lamangan] and our writer Dinno Erece made sure na hindi lang basta ito comedy, but with a heart as well," sabi pa ng singer-actress.



"Tsaka it will be nice seeing us in roles na you would never even dream of us being in. ‘Tulad ko, would you imagine me in that costume noon? Or even si Pops [Fernandez] na isang villainess? But they have to really watch out for Rustom [Padilla] here because he really gave his all to portray Ada. It's a different Rustom at matutuwa sila sa kanya," sabi pa ni Zsa Zsa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN