Cesar Montano's film also rated A by CEB


Cesar Montano's Ligalig was Rated A by the Cinema Evaluation Board (CEB) and is entitled to a 100% tax rebate



Very optimistic si Cesar Montano sa pelikula niyang Ligalig, na isa sa siyam na official entries sa darating na Metro Manila Film Festival Philippines.

Una, ang pelikulang tinatampukan din nina Johnny Delgado, Sunshine Cruz, Celia Rodriguez, Gwen Garci, John Regala, at iba pa ay isa sa tatlong pelikula na nakakuha ng A-rating sa Cinema Evaluation Board (CEB). Ang dalawa pa ay ang Zsazsa Zaturnnah ng Regal Entertainment at Kasal, Kasali, Kasalo ng Star Cinema.

Ito'y nangangahulugang mayroong 100% tax rebate ang naturang pelikulang pinamahalaan at isinulat din ni Cesar.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Cesar kahapon, December 21, nang dumalaw siya sa meeting ng Enpress (Entertainment Press Society Inc.) sa Baliwag Grill and Restaurant sa E. Rodriguez Ave., Quezon City. Sinabi ng actor-director-producer-writer na naniniwala siyang may captive audience ang ganitong tema ng pelikula kaya't umaasa siyang tatangkilikin ng publiko ang Ligalig.

"Ang Ligalig ay isang suspense-thriller at ang genre na iyan ay may market talaga. Example na nga rito ‘yung movie nina Kris Aquino and Claudine Barretto na Sukob, na balita ko ay kumita ng about P200 million," panimulang pahayag ni Cesar.

"Sobrang saya ko nga nang malaman kong Rated A ito ng CEB. Maging Rated B lang ay okay na sa akin, tapos ay naging A pa ang rating. Kaya happy talaga kami at sulit talaga ang pinaghirapan namin," dagdag pa niya.

Isa pa raw bentahe ng ganitong pelikula ay madali itong ibenta sa abroad. Sa katunayan, ayon kay Cesar, posibleng maipalabas sa Amerika ang Ligalig by January 2007. Mayroon na itong invitation upang magkaroon doon ng premier night at ang magiging titulo ng kanilang pelikula ay either Agitated o Agitation.

Ayon pa sa aktor, naniniwala siyang mayroong maipakikitang bago sa moviegoers ang Ligalig tulad ng kanyang mga camera shots at iba pang bagay na tiyak na kalulugdan ng manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpahayag din si Cesar ng kagalakan sa dalawang araw na dagdag sa pagpapalabas sa mga sinehan ng taunang film festival.

"Malaking bagay ‘yung dalawang araw na extension, especially long holidays ito e. Milyon pa rin ang pinag-uusapan diyan," sabi ni Cesar.

Nang pakiusapan naman ng PEP si Cesar na magbigay ng kanyang fearless forecast hinggil sa Top 3 movies na posibleng mamayagpag sa takilya sa taong ito, ang comedy-fantasy movie ni Vic Sotto at ang tandem ng real life sweethearts na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang kanyang inilagay sa una at ikalawang puwesto. Sa ikatlong puwesto naman niya inilagay ang kanyang pelikula.

"Sa palagay ko, ‘yung Enteng Kabisote ay unbeatable e. Established na ang following niyan at ilang taon nang may napatunayan iyan. Then, I think ang magna-number two riyan ay ‘yung Kasal, Kasali, Kasalo dahil Judy Ann movie iyan e. Siyempre iyong Ligalig, nasa top three ito," nakangiting sabi ni Cesar.

Bilang patunay na itutuloy-tuloy na ni Cesar ang paggawa ng pelikula, sinabi niyang ang kanyang next project ay nakakasa na. Isa rin itong suspense-thriller at pinagpipiliang maging leading lady niya rito sina Angel Locsin, Katrina Halili, o Anne Curtis.

Ang Ligalig (2006) ay ang ika-walong pelikulang idinirehe at pinagbidahan ni Cesar. Una rito'y ang Bullet (1998), na naging daan upang magkalapit sila ni Sunshine at mauwi sa kasalan ang kanilang relasyon.

Ang iba pa ay ang War Freak (1998), Alas Dose (2001) with Boyet de Leon, Hostage (2001), Mananabas (2001), ang award-winning na Panaghoy Sa Suba (2004), at ang digital film na Reunion (2006).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN