Deborah Sun undergoes total makeover



Hinihikayat ang dating aktres na si Deborah Sun ng kanyang mga kaibigan na huwag munang bumalik sa Amerika pagkatapos niyang lumaya mula sa Women's Correctional.



Halos isang taon na nakulong si Deborah dahil sa estafa case na isinampa laban sa kanya noon ng dating kaibigan na si Lorna Tolentino. Nang lumabas siya sa kulungan, ipinangako niya sa sarili na babalik lamang siya sa Correctional para dalawin ang mga naging kaibigan sa bilangguan.



Si Fanny Serrano, malapit na kaibigan pareho nina Deborah at Lorna, ang isa sa mga tumutulong ngayon kay Deborah. Si Fanny ang may kagagawan sa total makeover na ginawa kay Deborah.



Libre ang liposuction procedure kay Deborah at ipinaayos na rin ang kanyang mga ngipin courtesy of the "Liga ng Kagandahan" of Unang Hirit.



Sa kuwento ni Fanny sa birthday party ni Lorna kagabi, December 23, sa MDC Bar, Greenhill—seksi na uli si Deborah at nanumbalik na rin ang kagandahan nito.



Nag-enroll din si Deborah sa acting workshop ni Gina Alajar. Napansin ni Gina na malaki ang improvement ng acting ability ng kanyang kaibigan.

Kahit papaano, nakatulong daw kay Deborah ang pagkakakulong nito sa improvement ng kanyang acting ability.



Mapapanood ng publiko sa Unang Hirit ang bagong Deborah Sun sa unang linggo ng January 2007.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN