Senator Bong Revilla wins half-a-million in "Deal Or No Deal"


Senator Bong Revilla will donate the P500,000 cash prize he won in Deal Or No Deal to typhoon Reming victims in Bicol.


Five hundred thousand pesos ang napanalunan ni Senator Bong Revilla noong sumali siya sa Kapamilya Deal Or No Deal. Ipalalabas ang naturang guesting ng senador sa popular game show ni Kris Aquino sa ABS-CBN sa January 2, 2007.



Matutuwa ang mga kababayan natin sa Bicol dahil ibibigay ni Bong ang lahat ng kanyang napanalunan sa mga naging biktima ni typhoon Reming.



Hindi lamang ang premyo niya sa Deal Or No Deal ang ibibigay ni Bong sa mga Bicolano. Naka-plano na rin ang pagdalaw niya sa Bicol para mamahagi ng mga pagkain.



Nangalap na rin ng suporta si Bong sa kanyang mga kaibigan na puwedeng mag-donate (in cash or in kind) sa mga biktima ng bagyo at lahat naman sila ay nangakong tutulong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN