Lorna Tolentino celebrates her 45th birthday


Multi-awarded actress Lorna Tolentino still looks stunning at 45.


Ginanap kagabi, December 23, sa MDC Bar (tabi ng Zirkoh Greenhills) ang 45th birthday celebration ng actress-TV host na si Lorna Tolentino na dinaluhan ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.



Katulong ni LT sa pag-aasikaso sa mga bisita ang kanyang asawang si Rudy Fernandez.



Ang kanyang birthday party ang dahilan kaya hindi na dumalo si LT sa premiere night sa SM North ng Mano Po 5: Gua Ai Di, ang pelikula niya na kasali sa 2006 Metro Manila Film Festival.



Sina Gina Alajar, Fanny Serrano, Lolit Solis, Malou Choa-Fagar, Phillip Salvador and wife Emma Ledesma, Bong Revilla at Lani Mercado, Amy Austria, Tonton Gutierrez, Sunshine Cruz at Cesar Montano, Gretchen Barretto, Vicki Belo, Andrea Bautista, at Isabel Rivas ang ilan sa maraming well-wishers ng aktres.


Naroroon din ang stepson ni LT na si Mark Anthony Fernandez kasama ang asawa nitong si Melissa Garcia at ang kanilang anak na si Cameron.

Dumating din sa naturang party si Chelsea, ang panganay na anak ni Mark na carbon copy ni Rudy.

Samantala, nagtataka si LT sa napapabalitang hindi raw siya puwedeng mag-guest sa Kapamilya Deal Or No Deal ni Kris Aquino. Nilinaw ng aktres na maaari siyang lumabas sa naturang game show pero kailangan lang niyang magpaalam sa mga big boss ng GMA-7.

Dalawa ang shows ni LT sa GMA-7. Co-host siya sa showbiz-oriented talk show na Startalk at miyembro siya ng StarStruck council.

Natawa rin si LT sa balitang balak nila ni Rudy na mag-migrate sa Amerika dahil wala raw itong katotohanan.

Sa kabuuan, star-studded ang intimate birthday party ng multi-awarded actress. Naging daan rin ito upang magkita-kita at magkabalitaan ang mga matalik na magkakaibigan sa showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN