"Mano Po 5" not shown in some theaters on MMFF opening day


Mano Po 5 , starring Angel Locsin and Richard Gutierrez, was not shown in some theaters on its opening day due to delay in prints.


May report na nakarating sa bakuran ng Regal Entertainment na sinabotahe diumano ang prints ng pelikulang Mano Po 5: Gua Ai Di (I Love You) nung opening day nito kahapon, December 25, kaya hindi umabot ang final prints nito sa ilang sinehan. Ang Mano Po 5 ang isa sa apat na entries ng Regal sa isinasagawang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Dahil sa nangyari ay nadismaya tuloy ang mga taong gustong panoorin ang Richard Gutierrez-Angel Locsin movie kahapon. Hindi kasi natuloy ang pagpapalabas ng Mano Po 5 sa ilang sinehang naka-assign dito dahil hindi umabot ang prints nito.

Isang producer na mayroon ding entry sa filmfest ang siyang pinaghihinalaang gumawa diumano ng paraan upang ma-delay ang prints ng Mano Po 5. Ang nasabing producer ang napabalitang nakahidwaan ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde last year kaya malamang na gumawa ng hakbang ang lady producer upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari sa next festival.

As of press time, happy naman si Mother Lily sa resulta sa takilya ng Mano Po 5 dahil among the nine entries sa MMFF, hindi ito bumababa sa ika-apat na puwesto.

Ang tatlo pang entries ng Regal Entertainment sa 2006 MMFF ay ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh, Super Noypi at Shake, Rattle & Roll 8.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN