Nadine Samonte to be pulled out from "Bakekang"


Young actress Nadine Samonte's character in Bakekang will soon be "killed" because of another TV show where she will play the title tole.


Papatayin na ang karakter ni Nadine Samonte sa GMA-7 primetime drama series na Bakekang. Ginagampanan ni Nadine sa Bakekang ang papel na Lorraine, isang young actress na nag-iisang anak nina Valeria (Sheryl Cruz) at Kristoff (Jay Manalo).

Ang napipintong pagkawala ng young actress sa drama series ay dahil sa bagong TV show niya sa GMA-7 pa rin, ang action-adventure na Super Twins, kung saan makakasama niya sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Ang balak daw ng GMA-7 management na gawin sa karakter ni Nadine sa Bakekang ay papuntahin siya sa abroad o di kaya'y patayin upang ma-justify ang pagkawala niya.

Alam naman ng lahat na sa Bakekang, si Nadine ang kalabang mortal ni Lovi Poe, gumaganap na Kristal, kaya nahihirapan din ang Kapuso Network gumawa ng paraan para tanggalin ang katauhan niya sa istorya.

Kung sakali, si Nadine ang ikalawang main character sa Bakekang na papatayin ng mga manunulat ng prime-time series. Nauna na sa kanya si Marky Cielo na gumanap bilang Michael, anak ni Marta (Manilyn Reynes), na best friend naman ni Bakekang (Sunshine Dizon). Tinanggal si Marky sa drama series dahil nagsimula na siyang mag-taping para sa Asian Treasures kasama sina Robin Padilla at Angel Locsin.

Bagama't mahalaga ang papel ni Nadine sa Bakekang ay masasabi pa ring suporta lang siya rito. Samantalang sa Super Twins ay sila ni Jennylyn ang nasa title roles.

Bagama't hindi pa nagsisimula ang taping ng Super Twins ay ipinalalabas na ang teaser nito kasama ng iba pang bagong shows—Asian Treasures at Lupin—ng GMA-7 para sa 2007. Kaya huwag magulat kung one of these days ay mawala na ang character ni Nadine sa Bakekang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN