"Pedro Penduko" extended for another season


The ABS-CBN management extends Pedro Penduko, starring Matt Evans, by another season due to its high audience rating.



Malaki ang pasasalamat ng young actor na si Matt Evans sa ABS-CBN dahil nagkaroon ng extension ang TV fantasy series na kanyang pinagbibidahan, ang Pedro Penduko.

Twenty episodes lamang ang original plan para sa Pedro Penduko, pero dahil sa magandang rating nito, nagpasya ang Kapamilya Network na magdagdag ng 13 episodes.

Sa press con ng Pedro Penduko noong Biyernes, December 22, sa ELJ Building ng ABS-CBN, muling napag-usapan ang paghahanap ni Matt sa kanyang biological American father.

Ayon sa former Pinoy Big Brother Teen Edition housemate, hindi pa rin niya nahahanap ang tunay na ama dahil answering machine pa rin ang sumasagot sa tuwing tumatawag siya.

Given the opportunity, plano ni Matt na makapunta sa Amerika para hanapin nang personal ang kanyang biological father.

Ngunit itinanggi ni Matt na malungkot siya dahil hindi pa niya nakikita ang tunay na ama. Masaya raw siya sa piling ng kanyang stepfather.

Pinabulaanan din ni Matt na nagseselos kay Melissa Ricks ang kanyang girlfriend na si Olyn Membian, na kasama rin sa cast ng Pedro Penduko.

Nag-umpisa ang love affair nina Matt at Olyn sa PBB house at ipinagpatuloy nila ang relasyon nang lumabas sila sa Bahay ni Kuya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN