Jolo Revilla at Grace Adriano, hiwalay na!



Hindi nakaligtas Si Jolo Revilla sa pangungulit ng mga press na dumalo sa post-Christmas party ng kanyang parents na sina Senator Bong Revilla at Lani Mercado sa Annabel's Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, noong December 28.

Kinumpirma niya na wala na raw sila ng anak ni Rosanna Roces na si Grace at malabo na raw silang magkabalikan pa. Sina Jolo at Grace ay may anak na tinatawag nilang Gab, na magda-dalawang taon pa lamang sa Enero 13.

Pero paliwanag niya, "Friends pa rin kami. Nahihiram ko si Gab. In fact, sa amin magsi-celebrate ng New Year si Gab."

Idinagdag pa niya na tuloy pa rin ang financial support nito sa bata. Matatandaan na nagkaroon dati ng isyu sa pagitan nina Lani at Osang dahil sa usaping sustento.

Hindi binanggit ni Jolo ang dahilan ng tuluyan nilang paghihiwalay, pero masasabi raw niyang: "Nag-move on na ako after the break-up. Pero hindi pa ako handang magkaroon ng seryosong relasyon."

Okey siya sa pa-date-date pero hindi siya nanliligaw. Trabaho muna at studies ang pinagkakaabalahan niya sa ngayon. Napapanood si Jolo sa Hokus-Pokus every Saturday sa GMA-7.

Inusisa siya ni Manay Lolit Solis noong nakaraang Sabado, December 23, sa Startalk kung totoong preggy muli ngayon si Grace at siya raw ang ama. Sagot ni Jolo ay wala raw siyang alam tungkol doon.

Si Lani naman ang tinanong ng press kung ano ang gagawin niya sakaling preggy ngang muli si Grace at si Jolo pa rin ang ama nito.

Seryosong sagot ng ina ni Jolo, "Huwag naman sana. Siguro, dadasalin ko na lamang kung totoo, na bigyan pa ako ng strength ng Diyos, na makaya ko ang lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN