Gretchen Barretto answers new issues about her


Gretchen Barretto, fresh from her trip to Singapore, answers new issues about her



Matapos manahimik ni Gretchen Barretto after ng first press conference niya para sa comeback movie niyang Matakot Ka Sa Karma ng Canary Films, muli siyang pinag-usapan nang magkaroon sila ng "prima donna" issue ni Dawn Zulueta. After saying her piece sa YES! magazine, muli siyang nanahimik.

Pero sa pagpasok ng Year 2007, nagkaroon na naman ng issue dahil sa episode ng Mel & Joey ng GMA-7 last Sunday, December 31. May mga guests na psychics and astrologers sa show at may nanghula na isa raw high-profile couple ang puwedeng maghiwalay ngayong taon.

May mga nagsabing malamang daw na sina Gretchen at ang partner nitong businessman na si Tonyboy Cojuangco ang tinutukoy sa hula. Ito raw ang dahilan kung bakit hindi gaanong napagkikita si Gretchen kahit na may pelikula siya sa isinasagawang 2006 Metro Manila Film Festival.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gretchen kahapon, January 3—isang araw matapos silang makabalik na mag-anak from their Christmas vacation sa Singapore.

"First of all, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga tumangkilik ng Matakot Ka Sa Karma. Kahit nasa Singapore ako, nakaka-receive ako ng ranking ng mga movies, at happy ako na nanatili sa No. 4 ang movie namin nina Rica [Peralejo] at Angelica [Panganiban]," panimulang sabi ni Gretchen.

"Sige, sasagutin ko na lahat ng mga issues," natatawang hirit ng aktres bilang tanda na handa na siyang sagutin ang lahat ng mga intrigang ipinupukol sa kanya ngayon.

PREMIERE NIGHT. Una, ipinaliwanag ni Gretchen kung bakit hindi niya kasama si Tonyboy sa premiere night ng Matakot Ka Sa Karma noong December 20.

Sabi ni Gretchen, "Kaya wala si Tony noon, nag-attend siya ng 60th wedding anniversary nina Uncle Danding at Auntie Gretchen [Cojuangco] sa Australia. Hindi kami nakasama ni Dominique [anak nina Gretchen at Tonyboy] dahil that week, marami talaga akong commitments. Kaya si Dom lang ang kasama ko sa premiere night, with my friends Ruffa [Gutierrez] and Ana [Abiera]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Isa pa, ayaw din naman talagang manood ni Tony dahil ninenerbiyos daw siya para sa akin. Hanggang ngayon nga, ayaw pa rin niyang sabihin kung panonoorin pa niya ang movie ko."

PARADE OF STARS. Ipinaliwanag din ni Gretchen ang dahilan kung bakit hindi siya nakasama sa Parade of Stars noong December 24, a day before the showing of all the 2006 Metro Manila Film Festival (MMFF) entries.

"Naka-ready ako talagang mag-attend ng parada," sabi niya. "In fact, maaga ngang dumating ang make-up artist ko dahil, sabi ko, kailangang light lang ang make-up ko since araw naman ‘yon. Naka-ready na rin ang isusuot kong white tops, kasi kailangan daw naka-white kami.

"Ang problema, nag-attend ako ng birthday party ni Lorna Tolentino noong December 23 sa MDC Bar. Dahil ang saya-saya ng party, almost 3 a.m. na ako nakauwi.

So, natakot akong gisingin ng yaya ko dahil ang himbing daw ng tulog ko. Nagulat ako nang magising ako, 5 p.m. na pala ‘yon! So ano pa ang aabutan ko sa parada?"

Natatawang kuwento niya, "Iniwanan na nga ako ng make-up artist ko dahil hindi na rin daw naman ako makasasama sa parada."

Ayon pa sa kanya, "That day, bumalik na rin si Tony from Australia dahil sa house ng Mommy [Imelda Cojuangco] niya kami magpapaabot ng Christmas at hanggang umaga na rin iyon."

AWARDS NIGHT. Tungkol naman sa hindi niya pagdalo sa awards night ng MMFF noong December 29, sinabi ni Gretchen na taon-taon daw talaga ay umaalis silang mag-anak ng bansa pagkatapos ng Pasko.

"Every year, out of the country kami talaga after Christmas at December 26 kami umaalis. Sa Singapore nga kami nagpaabot ng New Year at evening of January 2 na kami bumalik dito. Kaya sinabi ko na agad kay boss Orly Ilacad na hindi ako talaga makaka-attend ng awards night," paliwanag ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TONYBOY. Lastly, sinagot ni Gretchen ang balitang hihiwalayan siya ni Tonyboy kung ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aartista.

"Hindi totoo ‘yon. Malulungkot siya kapag hiniwalayan niya ako!" natatawang wika ni Gretchen.

"Ako lang kasi ang nagpapasaya kay Tony, saka tanggap na niya ang pagbabalik ko sa showbiz and very supportive siya. Nag-eenjoy na rin siya kapag sumasama siya sa akin mag-attend ng mga showbiz functions.

"Ayaw lang naman ni Tony na gawin ko yung Desperadas dahil nandoon si Dawn. Ayaw na niyang maulit ang nangyari sa shoot namin ng shampoo commercial," aniya pa. (Ang Desperadas ang napabalitang pelikula ng Regal Entertainment na pagbibidahan nina Gretchen, Dawn, Ruffa Gutierrez, at Pops Fernandez.)

Patuloy niya, "Kaya hindi pa rin ako hihinto ng pag-aartista kung may new offers. In fact, I'm scheduled to shoot a new commercial next week. Tri-media [print, television, billboard] ‘yon. Hindi ko pa lang pwedeng sabihin kung ano, bawal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN