Bong Revilla appeals to ABS-CBN and GMA-7: "Please stop!"


"I'm appealing to Channel 7 and Channel 2 to please stop. Kasi this is very damaging, not just on my part, but on the part of Gretchen and my wife. Ang nangyayari, napagpi-piyestahan kami sa telebisyon. Hindi naman dapat," says Senator Bong Revilla.



Hindi na napigilan ni Senator Bong Revilla ang sarili na magsalita sa lumalalang hidwaan sa pagitan ng asawang si Lani Mercado at ni Gretchen Barretto. Nagsanga-sanga na nga kasi ang isyu na nagsimula sa simpleng Christmas wish ni Lani para kay Gretchen.

Pati nga ang manager nina Bong at Lani na si Lolit Solis ay sumali na sa usapan. Kahit na nasa United States si Manay Lolit ay hindi pa rin siya napigilang magbitiw ng masasakit na salita laban kay Gretchen sa S-Files kahapon.

Dahil dito, napatawag na si Bong sa S-Files kahapon, January 21, upang makiusap sa dalawang higanteng TV networks ng bansa—ABS-CBN at GMA-7—na tigilan na ang kakaungkat sa isyung namamagitan kina Lani at Gretchen.



"I'm appealing to Channel 7 and Channel 2 to please stop. Kasi this is very damaging, not just on my part, but on the part of Gretchen and my wife. Ang nangyayari, napagpi-piyestahan kami sa telebisyon. Hindi naman dapat," pakiusap ng senador.

Ani Bong, "miscommunication" lang ang lahat, pero lumaki na nang lumaki ang isyu. Matagal na raw tapos ang isyu sa pagitan niya at ni Gretchen at hindi na dapat ungkatin pa.

"It's an old issue so hindi na dapat i-drag ito. It's just plain misunderstanding na hindi dapat palakihin. In fact, meron na kaming plan na mag-usap para pag-ayusin sina Lani and Gretchen," sabi ni Bong.

"Pare-pareho lang silang hindi nagkakaintindihan... Maso-solve namin ‘tong problema among ourselves. Hindi na kailangan sa media. Nakakahiya kay Gretchen, nakakahiya din sa asawa ko. Naaapektuhan ang mga anak ko. This is unfair for all of them," dagdag pa niya.



Umiwas din si Bong sa tanong ng S-Files host na si Pia Guanio kung ano ang tunay na intensyon ni Lani sa Christmas wish niya para kay Gretchen na, "I wish that she will have a marriage with Tony."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I don't know. Pakiusap ko, tama na lang. Kung anuman sabihin ko, baka lumaki na naman ito't pagmulan ng sunog. Tama na, pakiusap. Naawa na ako sa asawa ko," mahinahong wika ng senador.



Nagbigay rin ng pahayag si Bong para kay Tonyboy.

"Nakakahiya din kay Tonyboy. He's my friend. He's been supporting me since I ran in public office. Nakakahiya kay Tony. Hindi siya dapat nadadamay sa problemang ito. Simple misunderstanding lumalaki nang ganito. Nagkakasiraan ang hindi dapat," ani Bong.

"I apologize sa lahat nang nangyari, na na-mishandle yung sitwasyon. To Tonyboy especially, I'm very, very sorry. Si Nanay Lolit na alam kong gusto lang magtanggol... Pero that's not right...Tama na, Nay," huling pahayag ni Bong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN