Enchong Dee pursues sexual harassment case against former swimming coach

by Rommel R. Llanes
Jan 26, 2007
"Mga halik-halik...Gusto niya, lagi kaming humahalik sa pisngi niya. E bata pa ako nun, wala naman akong malisya. Hindi ko naman alam na may masama siyang intension," recalls Enchong Dee about his traumatic experience with a gay swimming coach.

Sa press con ng ABS-CBN youth-oriented drama show na Abt Ur Luv last Tuesday ay nakausap namin ang nakababatang kapatid ni AJ Dee na si Enchong Dee. Kinumusta namin sa 18-year-old young actor ang isinampa nilang sexual harassment case ni AJ laban sa isang swimming coach nung nasa Naga pa lang sila.


Ayon kay Enchong, ongoing pa rin ang kaso sa Naga. Pero madalas daw ma-postpone ang hearing dahil hindi sumisipot ang akusado.

Nasa grade school pa lang daw si Enchong samantalang nasa kolehiyo na ang Kuya AJ niya nang mangyari ang diumano'y pangha-harass sa kanila ng swimming coach na gay.

"Mga halik-halik. Gusto niya, lagi kaming humahalik sa pisngi niya. E bata pa ako nun, wala naman akong malisya. Hindi ko naman alam na may masama siyang intension," kuwento ni Enchong.

Wala nang ikinuwentong detalye pa si Enchong. Pahapyaw na lang na sinabi niyang hanggang du'n lang ang naranasan niya mula sa akusado. Wala naman daw nagawa ang swimming coach sa kanya na mas higit pa dun.

Continue reading below ↓

"Siyempre, siguro, natakot siya. Ang bata ko pa. Mas mabilis siyang malalagay sa jail kung may ginawa siyang grabe," sabi pa ni Enchong.

Ang pinaka-worse na nagawa naman daw ng coach kay AJ ay ang pagmamasahe ng una sa singit ni AJ. Parte raw kasi ng training nila noon as swimmers ang pagpapamasahe, isang special kind of massage na para talaga sa mga manlalangoy. Pero never daw umaabot hanggang sa singit ang pagmamasahe liban na nga nung ang coach ang gumawa.

Ayon kay Enchong ay nandito ngayon sa Maynila ang naturang coach. Nakita raw ito nang hindi sinasadya ng Kuya AJ niya recently at nangumusta pa raw ang coach.

"Ang kapal nga ng mukha e!" bulalas ng nakababatang Dee.

Samantala, sa Abt Ur Luv—na napapanood every Saturday sa ABS-CBN—ay ginagampanan ni Enchong ang role ni Blue, younger brother of Stick (played by Victor Basa). Si Blue ay isang swimmer na chickboy at walang disiplina sa sarili.

Continue reading below ↓

Sabi ni Enchong, bukod daw sa pagiging swimmer ay wala nang ibang pagkakahawig ang ginagampanan niyang role sa Abt Ur Luv sa tunay na buhay.

Ikinuwento rin ni Enchong na may girlfriend siya six months ago, pero kinailangan niyang i-break dahil mas priority ng binata ang showbiz career niya at pagiging isang mahusay na swimmer.

Take note, sa pamamagitan lang ng computer (thru chat) nakipag-split ang binata sa dati niyang kasintahan.

Read Next
Read More Stories About
Enchong Dee
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mga halik-halik...Gusto niya, lagi kaming humahalik sa pisngi niya. E bata pa ako nun, wala naman akong malisya. Hindi ko naman alam na may masama siyang intension," recalls Enchong Dee about his traumatic experience with a gay swimming coach.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results