Lovi Poe chooses concert over party for her 18th birthday


"Wala akong first dance kasi wala na si Dad. It's very disappointing, very frustrating," says Lovi Poe of her decision not to hold a debut party since her father, Fernando Poe Jr., is no longer around.



Sa February 11 ay magse-celebrate ng kanyang 18th birthday ang young actress-singer na si Lovi Poe. Pero imbes na magarbong selebrasyon ay mas pinili ni Lovi na magkaroon na lang ng isang birthday concert. Walang mamahaling gown, 18 roses, 18 candles, o anumang seremonyas ng isang masayang selebrasyon.

Aminado si Lovi na ang pagkamatay ng amang si Fernando Poe Jr. ang dahilan kung bakit pinili niyang hindi magkaroon ng debut party, kung saan magkasama sana sila ng kanyang ama.

"Wala akong first dance kasi wala na si Dad. It's very disappointing, very frustrating," malungkot na sabi ni Lovi sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last January 27.



"I chose this birthday-Valentine concert na lang on February 11 at Teatrino Promenade, Greenhills. Music is my first love and I wanna share it with other people," aniya pa.

Sa nakaraang 2nd death anniversary ni FPJ noong December 14 ay pumunta raw si Lovi sa libingan nito, pero hiniling ng young star na huwag nang pag-usapan ang namayapang ama.



"I went there, I visited him. I'm sorry but I can't talk about him anymore kasi I get to hurt other people," pakiusap ng dalaga. Tinataniyang ang tinutukoy ng dalaga ay ang pamilya at mga kaibigan ni FPJ sa side ni Susan Roces, ang lehitimong asawa nito.

Samantala, hiningan ng reaksiyon ng PEP si Lovi tungkol sa pamamayagpag sa ratings ng Sana Maulit Muli na katapat ng kinabibilangan niyang GMA-7 drama series na Bakekang. Hindi naman ikinakaila ni Lovi—gumaganap bilang Kristal sa Bakekang—na kung minsan ay talagang nauungusan sila ng Sana Maulit Muli nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Pero hindi naman daw sila nakakaramdam ng pressure mula sa management ng GMA-7.



"I can say na see-saw yung ratings. But I heard we're doing very well. We're happy kasi we have loyal viewers talaga and the show is still doing well," very proud na sabi ni Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"No pressure at all. Kasi kami sa Bakekang, hindi kami masyadong nakatutok sa ratings. Sa amin, it's not purely work, parang family na kami dun na walang pressure or anything. Of course, we have to admit din naman that not all the time, panalo kami. But until now, we still rate," patuloy pa niya.

Kaugnay nito, pinabulaanan ni Lovi ang balitang kaya tatapusin na ang Bakekang ngayong Marso ay dahil sa mababang ratings nito at patuloy na paglampaso sa kanila ng Sana Maulit Muli.

"Matagal na talaga siyang planado na i-end. Dapat first season pa lang, pero how many months siyang na-extend. Extend siya nang extend kasi nag-hit talaga ang Bakekang. By March na siya tatapusin, not because talo kami. We have to end it na talaga kahit gusto pa ng tao," paliwanag ni Lovi.

Marami ang nagsasabi na sa kabila ng challenging role niya bilang Kristal sa Bakekang, hindi raw ito nabibigyang-buhay ni Lovi dahil sa kakulangan nito ng kakayahan sa pag-arte. Isang puna na ayon kay Lovi ay kanyang tinatanggap nang bukal sa kanyang kalooban.



"I have to admit that I'm not the best actress in the world. But I'm just happy that people criticize me kasi those criticisms construct me. Kahit how much they put me down, I learn from it," nakangiti niyang pahayag.

"Aminado naman ako na ‘pag pinapanood ko ang acting ko, I feel like laughing at myself. Kulang naman talaga. I know may kailangan pang i-improve sa akin and I'm open to it."



Dagdag pa niya, "I'm happy now kasi nai-improve na talaga ako with the help of Ate Shine [Sunshine Dizon], Yasmien [Kurdi], and Direk Gil Tejada. They're helping me talaga. They're not saying bad things about me but they construct me to be something better."

Noon pa nababalita ang sinasabing gap sa pagitan nila ng co-star niya sa Bakekang na si Nadine Samonte. Aminado si Lovi na hindi talaga sila malapit sa isa't isa ni Nadine. Pero ito raw ay dahil sa kawalan ng pagkakataon na makilala nang lubos ang isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We don't get to talk that much kasi di kami magkasama sa mga eksena lagi. She's okay. I guess kung may chance na maging friends kami, why not?" sabi ni Lovi.

Naging open book ang pagkakagusto sa kanya ng young actor na si Cogie Domingo, na kasali rin sa Bakekang. Pinagtatakhan ng marami kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito nauuwi sa isang pormal na relasyon.



"Cogie and I are still the same, we're still hanging out as friends pa rin. He's the closest guy to me but but I have my priorities e—my studies, my career. Saka I wanna be sure and I'm not in the stage of falling in love," pahayag ni Lovi bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN