Melanie Marquez recounts food poisoning experience in Cebu


"I thought it was the last breath that I will ever, ever had," says Melanie Marquez after experiencing food poisoning during the Asean Summit last month.



In the pink of health ngayon si Melanie Marquez nang makita siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday party ng Psalmstre Enterprises president na si Jaime Acosta noong January 30. Kasama ni Melanie ang kanyang magagandang mga anak, ngunit wala ang kanyang mister na si Atty. Adam Lawyer, na ayon sa dating Miss International ay kasalukuyang nasa Amerika pa.



Napa-"my gosh!" si Melanie nang usisain namin tungkol sa food poisoning incident sa 12th Asean Summit sa Cebu last month. Isa kasi si Melanie sa 103 performers sa gala night na nabiktima ng food poisoning noong January 13. Kasama niyang na-food poison ang dati ring Miss International na si Gemma Cruz-Araneta at ang conductor-musical director na si Gerard Salonga, kapatid ng international star na si Lea Salonga.

(Ang Asean Summit ay taunang pagpupulong ng mga lider ng Southeast Asian countries tungkol sa ekonomiya at sa cultural development ng mga bansang kasapi nito. Kasama sa ASEAN countries ang Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Cambodia, Laos, Myanmar, Singapore, Thailand, at Vietnam.)

Ikinuwento ni Melanie ang buong pangyayari ng food poisoning niya sa PEP.

"I thought it was the last breath that I will ever, ever had. Ganun pala 'yon! Nagti-technical rehearsal kami noon. That time, we had our lunch earlier, like 11:30 a.m.," panimulang kuwento niya.



"Ang daming seafood na I think na-mishandle lang. Ang dami kong kinain na squid e, grilled squid. Tapos seaweeds na ang dami ko ring nakain, at saka yung okrang steamed. Pagkatapos, yung bagoong na akala ko luto dahil mapula-pula ito.



"Lamon talaga ang ginawa ko, hindi kain. Konti lang ang rice but more on seafood. Ang ginawa kong rice, yung seaweeds. Buti na lang yung mga bata, iba ang kinain nila kasi may McDonalds sila.



"Ako yung unang-unang inatake noong gabing ‘yon, na supposedly ay mayroon kaming Chinese dinner. Doon siguro nag-trigger. Dahil sa sobrang gutom ko, hindi ako nag-merienda, kumain ako ng kimchi [Korean delicacy]. Doon nag-trigger 'yon, dahil 10:30 p.m. ay sumakit na ang tiyan ko. Parang may kabag ako. Pumunta ako sa banyo at pilit kong isinusuka kasi parang may nakabara e. Gusto kong idumi, pero walang lumalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Pagbalik ko sa lobby para pumunta ng restaurant, biglang ang lamig-lamig ng paa ko! Nang nakakita ako ng table ay bigla akong nag-blackout! Mabuti na lang nahawakan ko ang table na may upuan, nag-faint ako! Alam mo 'yong wala ka nang nakikita tapos matitining na boses ang naririnig mo? Dinala nila ako sa room pero wala na akong nakikita at ang lamig-lamig ng paa ko!"



Tuloy-tuloy na kuwento ni Melanie, "But at the same time, I have to be in my best poise na naglalakad sa lobby. Para akong matandang bata na inalalayan. Pero di lang nila alam, wala na akong nakikita. As in, mga boses na matitining lamang ang naririnig ko!

"Pagdating ko sa kuwarto, tuloy ako sa banyo at doon, suka't dumi ako. Paghiga ko sa kama, naramdaman kong hirap ako sa paghinga. Hinahabol ko ang hininga ko, parang thread lang siya. String na lang talaga, para bang may nag-clot talaga sa daluyan ng dugo. Sabi ko, parang mamamatay na 'ata ako!

"Alam mo ang ginawa ko talaga, nagdasal ako at humingi ng tawad. Kung mamamatay ako, sabi ko, ‘Please patawarin ninyo ako, hindi na ako gagawa ng ganyan.' Talagang ang dami kong pinag-repent kasi hindi na ako makuha sa mga gamot!"



Eleven-thirty ng gabi ng January 13 ay dinala na ang dating beauty queen-model sa Cebu Doctor's Hospital at agad binigyan ng injection na nagpakalma sa kanya after a few minutes.

"In-injection ako talaga at doon lang nawala 'yong pain. Gusto nila akong i-confine, pero ayoko. Dahil unang-una, hindi ko alam ang hospital. Pangalawa, I hate hospitals dahil may phobia ako diyan," salaysay ni Melanie.

"Two-thirty ng madaling araw [January 14] ako nakauwi at naririnig namin ang balitang halos lahat ng Bayanihan [Dancers] ay naospital, nagtutumbahan na lahat. Pagkatapos, ang mga models naman. Kaya halos lahat ng mga hospital ng Cebu ay napuno."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dagdag pa niya, "Then ako naman, nagpahinga dahil show namin kinabukasan. Ang ginawa nila, nag-ready sila ng kama doon sa Summit. Ito na ang nakakawawa dahil ako, actually, ay nagre-recover nang konti, pero dumi pa rin ako nang dumi. Yung iba, nakuha sa gamot, pero yung iba na katulad ko ay di nakuha ng gamot."



Sabi ni Melanie tuloy pa rin ang show kahit hindi pa maayos ang kanilang pakiramdam. Wala raw kasing pwedeng humalili sa kanilang participation sa gala night na dinaluhan ng mga lider ng iba't ibang bansa, kabilang na si President Gloria Macapagal-Arroyo.

"Kumbaga, in pain kami sa backstage. Pero pagdating namin sa stage, walang nakakahalata, na you will not even think na I was in pain that time kasi professional ako e. And right after that, inalalayan uli ako at nagpahinga lang ako," paglalahad ni Melanie.



"Pag-uwi ko sa Manila, akala ko makaka-recover na ako. Pero ang nangyari, noong dinalaw ko ang mga anak ko noong gabi, ang sakit ng tiyan ko ‘pag nasasagi nila. Through an advise by a friend ay pumunta ako sa Makati Med para magpa-checkup. Yun pala, sinusundot ang puwet ko, lalabatibahin ka muna. Pagkatapos ipapasok ang isang instrument to make sure that I'm okay. Pati sa puwet, mayroon pang kamera para makita ang bituka mo."



Aniya pa, "So, in short, nakita nila na nag-enflame ang daanan ng kinakain ko kaya pala puro tubig lang ang lumalabas. Nandoon yung kinain ko na kulay green, na parang 'yon yung seaweeds. Sinundot-sundot pa nila at nag-spray pa sila ng tubig para ma-cleanse. Kaya lang, parang magkaka-ulcer 'ata ako dahil na-trigger 'yong bandang parte na magkaka-ulcer ako. May namumula pang parte nung naapektuhan."



Sa ngayon ay okay na ang kalagayan ni Melanie, pero malaki raw ang nabawas sa kanyang timbang.

"Nagka-phobia ako. Ayoko nang kumain ng seafood masyado," sabi pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



May natutunan ba siya sa karanasan niyang ito?



Ani Melanie, "Huwag lumamon lalo na kung gutom. I was very hungry when I ate kasi. And then, mas mahirap din kapag gutom ka pagkatapos kumain ka ng seafood. Tapos kinagabihan, gutom ka, then kumain ka ng kimchi na maanghang. Wala na, nag-trigger talaga sa akin."



Dagdag pa niya. "Ang finding dito, I think the food was mishandled kasi tina-trasport lang nila talaga, wala talaga silang kitchen. Tabo-tabo lang talaga sila. We also found out na yung tubig daw talaga ay contaminated. Mayroon namang bottled water, pero yung ginagamit nila sa paglilinis, 'yon ang may diperensiya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN