"Muli" temporarily occupies the afternoon timeslot of TAPE Inc.


Malaysian stars Daniel Tan and Carrie Lee star alongside Alfred Vargas in Muli, a Philippine-Malaysian co-production drama series.



Pansamantalang ibibigay ng TAPE Inc. ang afternoon timeslot na hawak nito sa GMA-7 to the Kapuso Network itself.

Magtatapos ngayong buwan ang pinaka-current afternoon soap produced by TAPE na part ng Dramarama Sa Hapon, ang Sana Makita Kang Muli. It stars Oyo Sotto, Carlo Aquino, LJ Reyes, Ms. Celia Rodriguez, and Roderick Paulate. Bagama't may nakasalang nang kapalit ang Sana Makita Kang Muli with a different production team, on-hold pa muna ito dahil isang GMA-7 soap ang ilalagay sa iiwanang timeslot nito.

Ito ay ang Philippine-Malaysian co-production na Muli (same title sa Malaysia). It stars Alfred Vargas, Marian Rivera, Miss Malaysia 2006 Carrie Lim, and another Malaysian actor, Daniel Tan. Three months in production—one-and-a-half month in each country—ang nasabing soap, from the direction of Mac Alejandre.

The whole of November until the first week of December last year, nasa Malaysia si Alfred kasama ang skeletal production staff to tape the key sequences there. Si Alfred lang ang Pinoy actor at that time.

Second week of January naman, si Carrie ang bumisita sa Pilipinas to tape the Philippine sequences. Nag-last taping day ang Muli noong January 31, Wednesday, at nagkaroon ito ng cast party. Kahapon, February 1, umuwi na sa Malaysia si Carrie ngunit babalik siya next week, February 6, para simulan na ang promotion ng Muli.

Sabay na ipalalabas ang Muli sa Pilipinas at Malaysia.

Thirteen weeks ang itatagal ng Muli at magiging part ito ng GMA Dramarama Sa Hapon, occupying the TAPE timeslot. The other blocktimer, Focus Inc., producer ng Daisy Siete, remains. Pati na rin ang Korean timeslot na currently ay inu-occupy ng re-run ng Full House.

Dati-rati, isang timeslot lang ang ginagamit ng Kapuso network sa two-and- half hour Dramarama Sa Hapon block. This month, magiging dalawa na ito—the other one being the recently piloted Princess Charming.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN