Dion Ignacio and Vivo Ouano play lovers in "Bakekang"


Vivo Ouano (left) and Dion Ignacio play their first mature roles as lovers in Bakekang.



Mukhang napakabata pa ni Vivo Ounao para sumabak sa mature roles na gaya ng kanyang character ngayon sa GMA-7 primetime drama series na Bakekang.

Bagama't about to finish na ang toprating soap opera ni Sunshine Dizon—na taliwas sa naibalita na tinatalo raw ito ng kalabang soap, Sana Maulit Muli, ng ABS-CBN—marami pa ring developments na magaganap sa mga huling linggo ng Bakekang, including new characters like Vivo's.

Vivo will play the secret lover of Dion Ignacio, who plays Aldrin in the series. Si Aldrin ang nag-set up noon sa MMS scandal ng kanyang ka-love team na artista ring si Lorraine, played by Nadine Samonte, para kumalat ang malaswang litrato nito. And now, he will get his comeuppance. Lalabas din ang sikreto ni Aldrin na isa palang closet queen o silahista at si Vivo nga ang kanyang lover.

Sa isang eksenang kinunan sa dalawa na ipalalabas pa lang, maghahalikan ang dalawang StarStruck Avengers from different batches—Dion is from Batch 1 while Vivo is from Batch 3.

Dapat sa swimming pool kukunan ang halikan nila ngunit binago ito at inilagay na lang sa kama. Nakaupo si Vivo sa kama at hahalikan siya ni Dion sa lips. Matagal ang pagkuha ng eksena at maraming cuts ngunit ayon na rin kay Vivo, daya lang ito at halos naglapit lang ang mga labi nila.

Hindi rin naman papayagan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang isang eksena na halikan ng dalawang lalaki sa primetime television.

Isang offbeat role ito at challenge kay Vivo para makilala siya bilang isang aktor. Kaya nga lang, parang tila napakabata niya para tumanggap ng ganitong klaseng eksena, lalo na't underage pa ang young actor. Vivo will turn 17 this year and is still in high school.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN